Saturday , November 23 2024

Bookies Lotteng ni Jun Lakan sa Pasay, umaariba!

00 rex target logoTOTOO nga marahil ang ipinagyayabang ng ilegalistang si JUN LAKAN GUINTO, ang operator ng lotteng sa siyudad ni Mayor Tony Calixto ng Pasay.

Si Mark Calixto, anak ni Mayor Tony at si Borbie Rivera ang ipinagmamalaking kausap at protektor pa umano ng ilegal na pasugal ni JUN LAKAN.

Bukod sa lotteng operation sa Pasay, meron din saklang patay sa Makati City at Bacoor, Cavite.

Dalawa sa mga kilalang ‘aso’ ni JUN LAKAN GUINTO ay sina CALOY COLANDING at EWANG GARCIA.

Balewala kay JUN LAKAN ang mga pulis-Pasay dahil bukang-bibig niya ang pangalan ng anak ni yorme na si Mark at si Kapitan Borbie na astig daw talaga sa Pasay at kinakatakutan ng mga awtoridad.

Bitbit rin ng kupal na si JUN LAKAN ang pangalan ni Cavite Governor Jonvic Remulla pati na rin ang pangalan ni Bacoor Mayor Strike Revilla.

Parang tamemeng tupa lamang umano sa mga katarantaduhan ni JUN LAKAN ang mabunying Provincial Director ng PNP na si Colonel Estomo.

Ganito po talaga katikas ang gambling lord na naka-base ngayon sa F.B. Harrison, Pasay City.

Walang pulis-pulis sa ilegal na pasugal ni JUN LAKAN. Mga patabaing baboy lamang ang tingin niya sa mga miyembro ng pulisya. Pare-parehong patay-gutom at mukhang intelihensiya lang daw ang gusto sa kanya.

Ano kaya ang masasabi rito ni General Henry Ranola ng Southern Police District Office (SPDO)?

Ok lamang ba sir na ganito ang trato ni JUN LAKAN sa mga pulis mo at sa inyo mismo?

Sabagay, kung ‘pasok’ naman kay LAKAN ang tanggapan mo Col. Joey Doria , e talagang matatameme ka nga?

Kay General Carmelo Valmoria na lamang natin isusumbong ang mga katarantaduhang pinaggagagawa ni JUN LAKAN, tiyak hindi tayo magsasayang ng laway!

Galit si General Valmoria sa mayayabang at feeling astig na ilegalista.Tiyak na isasalaksak ni Gen. Valmoria ang ipinamumudmod na payola pabalik sa bunganga ng kupal na si JUN LAKAN.

‘SEAL OF GOOD GOVERNANCE 2014’ (GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING), IGINAWAD SA CITY OF STA. ROSA

Ipinagkaloob ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa siyudad ng Sta. Rosa sa lalawigan ng Laguna ang parangal na SEAL OF GOOD GOVERNANCE (GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING) makaraang mapatunayan na naging malinis ang lahat ng pananalaping transaksiyon ng siyudad sa ilalim ng magaling na pamumuno ni Mayor Arlene Arcillas.

Iginawad ang parangal ni DILG Regional Director Josefina E. Castilla-Go, Provincial Director Lionel Dalope, and City Local Government Operations Officer Tirso Laviña.

Malugod itong tinanggap ni Mayor Arcillas panabay ang paniniyak na ipagpapatuloy pa rin ang mga nasimulan ng mga gawain sa city hall

“Good Financial Housekeeping, formerly known as the Seal of Good Housekeeping, is awarded to an LGU that exhibits compliance with accounting and auditing standards, rules and regulations. COA opinion and compliance with the Full Disclosure Policy of Local Budget and Finances, Bids and Public Offerings are part of the criteria,” pahayag pa ni RD Castilla-Go.

Nakapaloob sa parangal na ito ang pagkakaloob ng Php 12.5 million sa siyudad ng Sta. Rosa bilang bahagi ng programa ng DILG Bottom-Up Budgeting (BUB).

Noong taon 2014, nakatanggap din ang siyudad ni Mayor Arcillas ng Php15M mula pa rin sa BUB ng DILG.

‘Also part of the program was the Memorandum of Agreement (MOA) signing for the Millennium Development Goals – Family-Based Actions for Children and Their Environs in the Slums (MDG-FACES) between the City Government and DILG,” dagdag ni RD Castillas Go.

Nagpapasalamat naman si Mayor Arlene sa kanyang constituents na patuloy na nagtitiwala sa kanyang liderato at walang sawang sumusuporta sa mga makabuluhang programa ng kanyang pamahalaan.

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

ni Rex O. Cayanong

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *