SI Rambo, ang octopus na nakatira sa Kelly Tarltons’ Sea Life Aquarium sa Auckland, New Zealand, ay natutong kumuha ng larawan ng mga bisita gamit ang waterproof digital camera na nakakabit sa loob ng kanyang tank.
Sa tulong ng trainer na si Mark Vette (ang trainer na nagturo sa mga aso sa pagmaneho ng kotse), naperpekto ni Rambo ang technique, kabilang ang pagpindot sa bright red button na nakakabit sa shutter ng camera, sa tuwing maririnig niya ang buzzer.
“She learned the buzzer in three repetitions,” pahayag ni Vette sa New Zealand’s One News, aniya’y ginagamit ni Rambo ang kanyang siyam na utak sa nasabing gawain.
Ibinibenta ng aquarium ang mga larawang kuha ni Rambo sa halagang $2 kada piraso, ang maiipong pondo ay mapupunta sa mismong aquarium, ayon sa ulat ng CBC.
(The Huffington Post)