Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blocking walls buksan sa feng shui

00 fengshuiSA feng shui, ang tamang lokasyon ng mga dingding ay nagsusulong nang magandang daloy ng enerhiya at nagpapabuti ng positibong pakiramdam sa tahanan.

Ang challenging wall location ay kabaliktaran nito, maaari nitong maharang o ganap na mahadlangan ang daloy ng enerhiya, kaya magdudulot ng stagnant space kaya walang magaganap na mainam.

Maraming mga dingding na maaaring magbuo ng potential feng shui challenges sa inyong bahay at sa opisina.

Ngunit paano masosolusyonan ang challenging walls nang hindi ito gigibain? Paano ito magkakaroon ng specific quality ng enerhiya? Mahalagang matiyak na ang art o mga imahe na iyong gagamitin ay nababagay sa Bagua area kung saan naroroon ang dingding.

Suriin ang 3 potentially challenging feng shui walls location.

*Ang unang mahalagang feng shui wall ay ang dingding na iyong makikita bago matulog at sa iyong paggising. Ang lahat ng bagay sa inyong bedroom ay konektado sa inyong energy field, lalo na ang mga bagay, imahe at kulay sa dingding na nakaharap sa inyong kama. Mag-focus sa pagkakaroon ng bedroom na magre-reflect sa kalidad ng enerhiya na nababagay sa inyong pangarap, karakter at personalidad. Tandaan na ang ilang imahe at elements ay bad feng shui para sa bedroom, katulad ng tubig, big mirrors na nakaharap sa kama, gayondin ang mga imahe na hindi nararapat sa bedroom katulad ng mararahas o nakalulungkot na mga imahe.

*Ang pangalawa sa feng shui importance ay ang dingding na iyong makikita sa pagpasok mo sa inyong bahay o business space. Kung ikaw ay nakaharap sa dingding sa pagpasok sa inyong business space o bahay, mag-focus sa paglalagay rito ng beautiful high quality ng enerhiya. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng art, o big wall mural, hilera ng matataas na halaman, masiglang paintings o lahat ng mga ito. Tandaan na huwag isasabit ang big mirror sa harap ng pintuan (lalo na sa front door) dahil itataboy nito ang Chi, o ang enerhiya, palayo, kaya ikinokonsiderang bad feng shui.

*Ang pangatlo ay ang dingding na nakaharap sa iyo habang ikaw ay nagtatrabaho sa iyong desk. Kung nakaharap ka sa dingding sa iyong workspace sa buong araw, ang iyong personal energy ay napipigilan o nahaharangan.

Ang solusyon dito ay ang pagsasabit ng good art o mga larawan ng mga lugar na magiging inspirasyon sa iyo, o ng mga taong nakatulong sa iyo sa iyong paglago, o ng mga taong iyong hinahangaan, magsabit ng mga diploma, certifications, etc.

 

ni Lady Choi

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …