Kinalap ni Tracy Cabrera
HINIRANG ang isang babaeng edad 100-taon gulang bilang kauna-unahang centenarian sa mundo na nakakompleto ng 1,500-metre freestyle swim, 20 taon makalipas na magsimula siya sa sport ng swimming.
Kinuha ni Mieko Nagaoka ng isang oras at 16 minuto lang para tapusin ang karera bilang nag-iisang kalahok sa kategoryang 100 hanggang 104-anyos sa short course pool sa Ehime, Western Japan.
“Nais kong lumangoy hanggang mag-105 ako kung mabubuhay ako nang ganito katagal,” wika ni Nagaoka saKyodo News.
Inaasahang kikilalanin ng Guinness World Records ang nagawa ng babae, iniulat ng ahensiya.
Hindi iba para kay Nagaoka, na naglathala ng kanyang aklat na may titulong ‘I’m 100 years old and the world’s best active swimmer’, ang 1,500-metre race dahil nakom-pleto niya ito noong edad 99 siya sa isang Olympic-sized na pool.
Nagsimula lang siyang mag-swimming noong 80 siya, bilang isa sa lumalagong bilang ng matatandang Hapones na nagpapakaligaya sa kanilang mahaba at malusog na pamumuhay sa kanilang bansa.
Noong Setyembre nitong nakaraang taon, halos 59,000 centenarian sa Japan—na nangangahulugang 46 sa bawat 100,000 tao rito ang nasa 100 o mahigit. Kabilang na rito ang 103-anyos na sprinter na si Hidekichi Miyazaki, na siyang may hawak ng world record para sa 100-meter dash sa ka-tegoryang 100 hanggang 104 ang edad, sa oras na 29.83 segundo.
Sa nagawa ni Nagaoka, binansagan siya ngayon ‘Golden Bolt’ ng kanyang mga kababayan.