Kinalap ni Tracy Cabrera
Matayog ang labi ng bulkan sa gitna ng katimugan ng Dagat Pasipiko—ito ang Ball’s Pyramid na tumataas ng 1,843 talampakan. Dito rin nadiskubreng muli ang masasabing pinaka-rare o pambihirang insekto sa mundo.
Nadiskubre ang tinaguriang land lobster noong 1788. Sa scientific community pinangalanan itong Dryococelus australis, o Lord Howe Island stick. Sa nakalipas na 70 taon, pinaniniwalaang naglaho na ito ngunit ngayong muling nadiskubre ang anim na pulgadang insekto, naniniwala ang mga siyentista na nakaligtas ito sa pamumuksa ng mga itim na dagang dinala dito ng mga sinaunang Europeano na dumating sa isla lulan ng mga barkong panglakbay.
Nadiskubre ang mga tinagurian ding ‘land lobster’ sa ilalim ng isang halaman may isang daan ang talampakan sa ilalim ng malaking bato. Nakatakas ang mga walang pakpak na insekto at nagawa—sa hindi pa malamang paraan—makapunta sa open ocean 14 na milya ang layo at maka-dapo sa Ball’s Pyramid, at mamuhay doon hanggang ngayon.
Sa mga insekto, 27 ang natagpuan sa ilalim ng bato at ngayo’y kinumpuni ng mga siyentista para alagaan at paramihin upang maiwasan ang paglalaho ng masasabing ‘world’s ra-rest insect’ sa ibabaw ng mundo.