Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dating kakampi ni Lebron lalaro sa Alaska

ni James Ty III

041615 Romeo Travis Lebron James

ISANG dating kakampi ni LeBron James noong siya’y nasa high school pa ang magiging import ng Alaska Milk sa PBA Governors’ Cup na magbubukas sa Mayo 5.

Kinumpirma ng head coach ng Aces na si Alex Compton na darating sa bansa si Romeo Travis na kagagaling lang mula sa isang liga sa Rusya.

“The Russian tournament just ended so he’ll (Romeo) be here by tomorrow night (noong Martes),” wika ni Compton.

Magkasama sina Travis at James sa St. Vincent-St. Mary high school na nagkampeon noong 2003 bago sumikat si James sa NBA para sa Cleveland Cavaliers.

Nag-average si Travis ng 11.5 puntos, 6.0 rebounds at 2.2 assists sa 24 na laro para sa Krasny Oktyabr.

Naglaro rin si Travis sa Israel.

“He’s also a dominant player and can fit in a system. That’s my evaluation of him,” ani Compton. “Looking at the league he has played in Europe, he has a variety of style of play, and he really knows how to play.”

Natalo ang Alaska kontra Purefoods sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …