ni James Ty III
MAGSISIMULA ngayon ang best-of-seven finals ng PBA Commissioner’s Cup na paglalabanan ng Rain or Shine at Talk n Text.
Kahit sa tingin ng marami ay halos pareho ang lakas ng dalawang koponan, iginiit ng head coach ng Elasto Painters na si Joseller “Yeng” Guiao na dehado ang kanyang tropa sa Tropang Texters na ilang beses na nagkampeon sa liga.
“We were never comfortable with our role as favorites this conference,” wika ni Guiao sa pre-finals press conference ng PBA kahapon sa Sambokojin Restaurant sa Quezon City. “We were number one in the eliminations and we swept Meralco in the semifinals but we’re back to being the underdogs in the finals against Talk n Text. Coach Jong (Uichico) is a well-prepared coach and if we prepare less against them, they will dominate us. They (Tropang Texters) like to shoot threes and they shoot better than us from the outside so that will be a problem.”
Ngunit kahit dehado ang Rain or Shine, kompiyansa si Guiao na kaya ng Elasto Painters na makamit ang ikalawa nilang korona mula noong sumali sila sa PBA noong 2006 dahil mahaba ang kanilang pahinga bago ang finals nang winalis nila ang Meralco sa semifinals.
Sa panig ng TNT, tatlong araw lang ang pahinga nito pagkatapos na pulbusin nito ang Purefoods sa isa pang serye sa semis na tumagal ng apat na laro.
“It’s hard to read the mind of coach Yeng because he changes his game plan so I have to be alert,” ayon kay Uichico na sisikaping makuha ang ikatlong titulo bilang PBA head coach pagkatapos na gabayan niya ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa korona dati. “It’s been a long time that I have been in the finals but I will try my very best.”
Samantala, parehong sinabi nina PBA Commissioner Chito Salud at board chairman Patrick Gregorio na magiging kapanapanabik ang finals ng TNT at ROS.
Gagawin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ang Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup finals simula alas-siyete ng gabi.