Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino ang tatayong reperi sa labang Pacman-Floyd?

040715 pacman floyd

00 kurot alexSINA Kenny Bayless at Tommy Weeks ang llamado sa hanay ng mga reperi na pinagpipilian na gigitna sa labang Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao.

Bigtime ang labang ito kaya bigtime din ang magiging kabayaran sa magiging reperi. Inaasahan na titiba siya ng $10,000.

Ang iba pang kandidato para gumitna sa nasabing laban ay sina Robert Byrd, Jay Nady, Russel Mora at Vic Drakulich.

Tiyak, ngayon pa lang ay minamanmanan na ng Team Pacquiao sa pangunguna ni Bob Arum ang paraan ng pagpili sa magiging reperi. Aba’y malaking bagay kasi ang gagampanan niyang tungkulin sa makasaysayang laban.

Iba na kasi yung walang kinikilingan sa loob ng ring.

0o0

Inaasahan ni Freddie Roach na magiging mabagsik si Manny Pacquiao sa magiging paghaharap nila ni Floyd Mayweather sa May 2 sa MGM Grand.

Kung baga sa karera ng kabayo, todo na ang kanyang forecast sa nasabing laban.

Naniniwala siya na tatalunin ni Pacman si Floyd via knockout.

Well, hindi naman magsasalita si Roach na taya ang kanyang kredibilidad kung wala siyang batayan.

Marahil, kitang-kita niya ang mga galaw sa ensayo ni Manny ang kalidad na gigiba sa walang talong karta ni Floyd.

 

ni Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …