Friday , November 15 2024

Para sa isang kaibigan NPC President Joel Sy Egco  

00 Bulabugin jerry yap jsyNALUNGKOT ang inyong lingkod nang malaman natin na nag-leave pala bilang Presidente ng National Press Club (NPC) ang kaibigan at kumpare kong si JOEL MAGUIZA SY EGCO.

Kung opinyon ang iyong hihingin mula sa akin, simple ang sasabihin ko, hindi ka dapat mag-leave kasi hindi mo naman kasalanan kung bakit ako naaresto sa araw ng Linggo ng Pagkabuhay.

Bigla ko tuloy naalala noong una tayong nagkita at nagkasama. Kapwa tayo kabilang sa founding officials ng itinatag nating Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA).

Itinatag natin noon ang AFIMA dahil sa pandarahas na dinanas naman ni katotong Pabs Hernandez na hindi tinindigan ng pamunuan noon ng NPC. Sa sobrang pagkadesmaya nga ni Pabs, e pinunit niya ang kanyang NPC ID.

Kaya nga nakasama ka namin sa “PRESS FREEDOM PARTY” na pinamunuan noon ni Roy Mabasa na tumakbong presidente noong 2006.

Masasabi kong maganda ang ating pinagsamahan at marami tayong proyektong nailunsad sa ilalim ng AFIMA at  NPC.

Natutuwa rin ako nang magkortesiya ka sa akin para magpaalam sa pagtakbo bilang Presidente ng NPC.  Maliit na bagay pero nakatataba ng puso. Alam mo naman ang kumpare mo, mababaw lang ang kaligayahan. Bukod sa aking pamilya, mga tapat na kaibigan lang ang itinuturing kong tunay na kayamanan.

Because they are rare and precious…

Sa ilang panahon na nakilala kita, ilang beses ko rin naman nakita na ipinagtatanggol mo ang kalayaan sa pamamahayag. Bukod d’yan pinabilib mo rin ako sa iyong work attitude.

Every time and then, laging BUKAS ang linya ng ating komunikasyon lalo na sa gaya mong kumpare at kaibigan.

Simula’t sapol nagpapalitan tayo ng text kahit nasaan man tayong lupalop. Nasa Pinas man ako o sa labas ng bansa, hindi puwedeng hindi ko sagutin ang iyong text messages. Tiyak na tiyak sasagot ako.

Kaya naman nang arestohin ako ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) sa harap ng aking mga anak, nitong Easter Sunday (Abril 5), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, IKAW ang UNANG tinawagan ko.

Pero tatapatin kita, nadesmaya ako sa mga sagot mo. Parang kakaiba ka noon sa panahong magkasama tayong kumokondena sa media killings at harassment.

Ano nga ang sabi mo. “Tangina. Bakit? Di pwede ‘yan. Pare di pwede ‘yan…hindi dapat umabot sa kulungan. No matter what. Hindi naman ako tanga…(irerespeto kita, hindi ko isusulat ang kasunod nito dahil hindi mo rin inilagay sa iyong post sa FB)…Ok I’m an investigative journalist. I’ll die as one…”

Hehehe…sa totoo lang, nalito ako sa text message mo. Hindi ko maintindihan kung ano ang kaugnayan no’n sa pagkakaaresto ko sa araw ng Linggo ng Pagkabuhay.

During that time, ang inaasahan ko lang sa iyo ay i-assure mo ako na nasa panig ko ikaw dahil ever since na ipinaglalaban natin ang ating MOA, hindi dapat inaaresto ang isang mamamahayag sa kasong libel at lalong hindi tayo pumapayag  na ginagawa ang pag-aresto sa araw ng linggo.

Huwag na natin ipilit ‘yung kung naabisohan ako o hindi ng aking staff na mayroon akong warrant of arrest. Kung sa tingin mo nagkamali ang staff ko, ako ang dapat kumastigo sa kanya dahil she’s under my command.

Ang itinatanong ko nga sa aking sarili, wala ka rin bang naging pagkukulang? BAKIT hindi mo nagawang ako mismo ang ITINEXT o TINAWAGAN mo bilang isang kaibigan mo na may warrant of arrest? Anong nangyari sa ‘yo sa mga oras na ‘yun, pare?

At kung naabisohan ba ninyo ako, hindi ba ako aarestohin noong Abril 5, Estaer Sunday?

Hinahanap ko rin kung nasaan ang kumpare ko, mula noong araw ng Linggo hanggang sa makalabas ako?! Bakit kaya hindi man lang ako kinumusta at inalam ang kalagayan ko?

Hinintay ko rin puntahan mo ako sa aking office noong Martes at mga sumunod na araw pero namuti lang ang mata ko.

Aaminin ko, natuwa ako nang suportahan ako ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa panahon na dumaranas ako ng paglabag sa aking pundamental na karapatan bilang mamamahayag at bilang mamamayan. WALA naman akong kakilala sa kanila pero nagulat ako at sinuportahan nila ako. Akala ko susundan mo agad bilang pangulo ng National Press Club (NPC) pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Sabi ko nga, kahit na hindi official statement ng NPC ay OK na sa akin, kahit nga salita mo lang bilang kaibigan ko na dinadamayan ako ay malaking pasasalamat ko na sa ‘yo P’re.

Kunsabagay, naunawaan ko na rin na hindi ka basta-basta makagagawa ng desisyon nang walang go signal ng ilang kasamahan mo riyan.

Hindi ako nanunumbat pareng Joel pero in one way or another ay nasuportahan rin naman kita noong araw, ‘di ba? Lalo na noong hindi kayo nagkakaunawaan ni Arnold Garcia.

Naalala ko rin noong ako pa ang Presidente ng NPC, hindi ba’t ikaw pa ang pinakikisuyuan kong mag-ponente agad ng statement ng NPC lalo na sa media killings at harrasment? ‘Yan ay kahit nakapaglabas na ng statement ang NUJP.

Gusto ko rin LINAWIN sa lahat ng kaibigan natin na HINDI kita sinisisi lalo na ang NPC. Alam mo kung gaano ko kamahal ang NPC na pinaglingkuran ko rin ng mahigit sampung taon. Sa tagal ng pagiging opisyal natin sa NPC, isa ka sa mga higit na nakaaalam kung ano ang mga serbisyong gusto nating maipagkaloob sa ating mga miyembro.

Naging abala lang ako nitong mga nakaraang araw sa kasong isasampa ko laban sa mga pulis na umaresto sa akin kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sagutin ang mga ipino-post mo sa iyong social media site partikular sa Facebook.

Sana’y alisin mo sa isipan mo na may gustong sumabotahe sa iyong liderato sa NPC dahil ako mismo ay hindi ko papayagan ‘yan. Kung may personal grudge man sa akin ang ibang tao riyan sa NPC ay isantabi muna natin para sa ating adbokasiya na ipaglaban ang Press Freedom.

Hindi mo man magawang kondenahin ang mga pulis na umaresto sa akin sa araw ng Linggo dahil hindi sumunod sa usapan n’yo na walang hulihan ay huwag naman sana akong akusahan ng kung ano-ano pa. Uulitin ko, ako ang biktima rito at hindi kayo.

Nalulungkot ako na kailangan nating humantong sa ganitong sitwasyon gayong bukas naman lagi ang ating komunikasyon.

 Alam mong hindi ako nagsara, kahit kailan lalo na sa iyo. Hindi man naging maganda ang mga naging kaganapan sa isyung kinahaharap ko ay itinuturing pa rin kitang isang ‘tapat na kaibigan.’

Hayaan mong hiramin ko ang paborito mong pagbati…ALLAHU AKBAR!

Katarungan para kay Mei Magsino

ISA NA NAMANG dagok sa hanay ng mga mamamahayag ang ginawang pagpaslang kay dating Philippine Daily Inquirer correspondent Melinda “Mei” Magsino na pinagbabaril ng riding in tandem sa Brgy. Balagtas, Batangas City kamakalawa.

Isang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng 40-anyos na si Mei  Magsino, dati rin stringer ng TV-5 at ngayon ay nagmamay-ari umano ng massage clinic sa lungsod.

Bagamat matagal nang wala sa pamamahayag, naniniwala ang pulisya  na ang pamamaslang ay may kinalaman sa kanyang dating propesyon at trabaho.

Ayon sa pulisya, nabatid na ilang oras bago ang pamamaril, may binabanatan pa ang biktima sa kanyang Facebook account na isang lokal na opisyal sa isang bayan sa Batangas.

Kumbaga, hindi rin nanahimik si Mei sa pagsisiwalat ng nalalaman niyang mga iregularidad at katiwalain kahit sa kanyang account sa social media site (Facebook).

Sinabi ng Philippine National Police na hindi nila bibitiwan ang kasong ito hangga’t hindi  nagkakaron ng linaw. Nagsalita na rin ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ang College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP) para kondenahin ang pamamaslang at nanawagan na wakasan ang kultura ng kawalang pagsasawalang-kibo sa hanay ng mga mamamahayag. Sa ngalan ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), ang inyong lingkod ay nagpapaabot ng pakikiramay sa pamilyang naulila at pakikiisa para sa paghahangad ng kataru-ngan sa pinaslang na dating mamamahayag.

Katarungan kay Mei Magsino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *