Kinalap ni Tracy Cabrera
KAKAILANGANING tanong talaga sa iyong sarili kung ano ang gusto mo?
Ito ang pinunto ni Rebecca Bustamante, 48, mula sa pagiging katulong ay ngayo’y isang chief executive officer ng malaking kompanya. Para mailathala sa isang aklat na may pamagat na Maid to Made.
Bagong naging presidente ng Chalre’ Associates at Asia CEO ng Form, lumaki si Bustamante sa Dasol, Pangasinan kasama ang iba’t ibang pamilya para magsilbing katulong kapalit ng pagkain at kanyang pag-aaral.
Isinilang siyang ikapito sa 11 magkakapatid at noong bata’y nagtitinda ng pan de sal para makatulong sa ikabubuhay ng kanyang pamilya. Bukod dito ay nagtinda din siya ng ice candy at ice buko at kahit na ang mga isda sa palengke para makatapos ng elemen-tarya
Naniniwala siyang maha-laga ang edukasyon sa tagumpay ng tao. Habang nasa high school, nagtrabaho siya bilang saleslady sa isang sari-sari store at noong pumasok sa kolehiyo, lumipat siya sa Mariveles, Bataan para maging isang working student.
Ngunit napatigil siya at napilitang manilbihan bilang isang janitor sa dasul Rural Bank hanggang maging katulong sa Singapore.
Kasunod nito’y napunta siya ng Canada, na umangat na ang kanyang kapalaran hanggang matagpuan ang kanyang kabiyak na si Ri-chard Mills.