BUONG tapang na nakipag-French kissing ang isang lalaki sa giraffe.
Ang hayop na ito ay may dila sa average na 20 inches ang haba, kadalasang ang kulay ay ugly dark blue, blue o purple.
Ipinakita sa isang episode ng “Outrageous Acts of Science”ang isang zookeeper mula sa Out Of Africa park sa Camp Verde Arizona, habang nakasubo sa kanyang bibig ang biscuit na dinilaan hanggang sa kainin ng giraffe.
Ngunit ang dila ng giraffe ay hindi para sa “French kissing” sa kapwa nila hayop, kundi ito ay para sa kanilang survival, ayon sa Australian biologist na si Chris Krishna-Pillay.
“Giraffes are browser animals so they browse amongst trees,” pahayag ni Krishna-Pillay sa “Outrageous Acts Of Science.”
“Their height means they can get very high up, but that’s not enough. Some of the trees they like to browse on are acacia trees which has evolved these really sharp spines in order to try and stop animals eating their foliage, so the giraffe’s long tongue can reach in between those spines and grip the leaf and tear it off.”
Ang laway ng giraffe ay proteksiyon laban sa kagat ng mga langgam sa kanilang labi at dila.
Ang “Outrageous Acts Of Science” ay iniire tuwing Sabado sa Discovery Science. (THE HUFFINGTON POST)