Kinalap ni Tracy Cabrera
ISA si Gretchen Ho sa pinakamadaling makilalang mukha sa Philippine sports ngayon.
Una siyang sumikat bilang bahagi ng ‘Fab Five’ batch ng mga standout volleyball player ng Ateneo Lady Eagles, at naging team captain siya mula 2012 hanggang 2013. Napanalunan ng team ang puso ng mga Pinoy sa lahat ng dako dahil sa kanilang intensity at passion sa volleyball, at na-ging isa si Gretchen sa pinaka-sought-after college athlete hanggang siya’y magtapos ng degree sa Management Engineering noong 2013.
Isa lang din naman ang pinasasalamatan ng dalaga: ang sports na naging dri-ving force ng kanyang buhay.
“Ang pagpasok sa sports ay tunay na life-changing. Minomolde nito ang iyong attitude, ang i-yong karakter, iyong kompiyansa, pag-uugali at maging ang iyong hitsura sa buhay,” aniya sa panayam ng iMoney.
Ang drive na ito at ang kanyang determinasyon ay humigit pa sa sports para kay Gretchen, at nagpatuloy pa sa kanyang career sa kasalukuyan bilang TV host at entrepreneur.
Ngunit hindi ito naging madali.
Kinailangang harapin ni Gretchen ang hamon sa pagbabalanse ng kanyang academics sa UAAP-level sports, ang shoulder injury na naging sanhi ng kanyang mga kabiguan sa paglalaro, at ang pagsasagawa ng de-sisyon na ayawan ang corporate career path at sa halip ay isagawa ang natagpuan sa kanyang comfort zone.
Nakapag-deve-lop siya ng sariling work ethic at attitude tungo sa pagkita ng salapi. Ayon din naman sa premyadong volleybelle, nakatulong dito ang magandang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.
“I come from a Chinese family at ang mga magulang ko ay talagang matipid at business-minded. Tinuruan nila ako kung paano mamuhay nang simple at maging masaya kung ano ang mayroon ako,” aniya.
Idinahilan din ni Gretchen ang kanyang mabuting work ethic.
“Naniniwala ako na nakuha ko ang pagiging-focus sa aking trabaho mula sa pagbalanse ng volleyball sa aking academics. Naging productive ako dahil din d’yan, partikular na sa oras ko nang sumali ako sa volleyball team,” kanyang paliwanag.