Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pan-Buhay: Dilim at Liwanag

00 pan-buhay“Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo’y napunit sa gitna. Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu.” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.” Lucas 23:44-46

Noong nakaraang Sabado, bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ginanap sa aming simbahan ang Easter Vigil kung saan ginugunita ang mga sandaling bago mabuhay nang muli ang ating Panginoong Hesus. Nang magumpisa, madilim ang buong simbahan at tanging isang kandila ang nagbigay ng liwanag. Katulad din ng dilim na naganap nang mamatay si Hesus, may kadiliman din tayong nararanasan kapag wala ang Diyos sa ating buhay.

Normal na sa marami sa atin na makaramdam ng takot o agam-agam kapag madilim ang ating paligid. Bukod sa mahirap makita ang dinadaanan, maari ding hindi natin mamalayan kung may panganib na naghihintay sa atin. Sa iba, ang dilim ay nagdudulot din ng kalungkutan at panghihina ng loob. Marahil, ang mga ito rin ang nararamdaman ng taong madilim ang buhay at kung kanino hindi nananahan ang Diyos sa kanyang puso.

Ang pagkakalulong sa masamang bisyo, ang pagkikimkim ng galit o paghihiganti sa puso, ang di pagpapatawad sa sarili o sa kapwa, ang gumawa ng labag sa batas ng Diyos at ng tao, at iba pang mga kasalanan ay maaaring magdala ng dilim sa ating buhay. Sa lahat ng mga ito, iisa lamang ang makapagbibigay ng liwanag – ang ating Panginoon.

Sa mga nakararanas ng matinding dilim sa buhay, tandaan na pinakamadilim ang gabi bago magbukang-liwayway. Kahit anong laki ng ating mga kasalanan, ang lahat ng mga ito ay tinubos na ni Hesus sa pamamagitan ng krus. Siya lamang ang makapapawi ng anumang dilim. Siya ang tunay na ilaw ng ating buhay.

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipagugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

 

ni Divina Lumina

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …