Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Game Three

020415 PBAni Sabrina Pascua

BUMABA na sa best-of-three ang PBA Commissioner’s cup semifinals series sa pagitan ng Talk N Text at Purefoods Star. Kaya naman mahalaga para sa dalawang koponan na makauna sa 2-1 kalamangan.

Inaasahang magiging mas pisikal at emosyonal ang sagupaan ng Tropang Texters at defending champion Hotshots sa Game Three mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Dinurog ng Tropang Texters ang Hotshots 92-77 sa Game Two noong Lunes upang itabla ang serye. Ang Hotshots ay nagwagi sa Game One, 100-94.

Sa panalo ng Talk N Text ay napatid ang seven game winning streak ng Purefoods Star. Kabilang sa streak na iyon ang 118-117 triple overtime na panalo laban sa Tropang Texters sa Davao City noong Marso 14.

Ang mananalo sa seryeng ito ay makakatunggali ng Rain Or Shine sa best-of-seven championship round. Nakamit ng Elasto Painters ang unang Finals ticket nang mawalis ang Meralco sa kanilang semifinals series, 3-0.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …