Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bilangguang Walang Rehas (Ika-10 Labas)

00 bilangguanSi Carmela ang pinag-asikaso ni Mang Pilo kay Mr. Mizuno. Nagmistulang waitress ang dalaga. Sinilbihan nito ng malamig na tubig ang may-ari ng pabrika. Na matapos makakain ay ipinagtimpla pa ng kape. At ang babae rin ang nag-imis sa mesang pinagkainan ng Hapones.

Ayon kay Mr. Mizuno, magandang babae raw si Carmela. Sinangayunan iyon ni Mang Pilo na nagsabing virgin pa ito. Palibhasa’y sa wikang Ingles nag-usap ang dalawang lalaki, hindi nito naintindihan iyon.

“Paano kong malalaman kung totoong virgin pa nga siya o hindi na?” ngisi ni Mr. Mizuno.

Malakas na halakhak ang naging sagot ni Mang Pilo.

Bandang hapon, umalis sa pabrika si Mr. Mizuno lulan ng pribadong helikopter na pinalipad ng kanyang personal pilot.

Pero mula noon, halos naging lingguhan na ang pagpunta-punta ni Mr. Mizuno sa isla. At nahulaan agad ni Digoy ang dahilan niyon.

“Kursunada si Carmela ng kunehong pon-jap,” sa loob-loob niya.

Tama ang kanyang kutob. Punumpuno ng malisya ang mga mata ni Mr. Mizuno kapag kaharap nito ang Carmela. At nang minsang hindi ito nakapagpigil sa panggi-gil ay tinapik ang pwet ng babaing itinata-ngi niya. Sa pagkagulat, nabitiwan ng dalaga at nagkabasag-basag sa sahig ang platong pinagkainan ni Mr. Mizuno. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …