Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Triplets sabay-sabay ikinasal

083014 AMAZING(NEWSER) – Palaging magkakapareho ang mga kasuotan ng Bini sisters, gayondin sa ayos ng kanilang buhok, pahayag ni Ariadne Durante, wedding planner na dumalo sa nakaraang kasal ng triplets, ayon sa ulat ng USA Today.

Kaya naman, magkakapareho rin ang estilo ng kanilang wedding gown sa kanilang pagharap sa altar sa Passo Fundo, Brazil, noong Marso 21.

Bukod sa magkakaparehong wedding dress na suot nina Rafaela, Rocheli, at Tagiane Bini, 29, magkakapareho rin ang ayos ng kanilang buhok, at makeup, bagama’t magkakaiba ang kanilang bouquets (gayondin ang kanilang groom).

Mahigit 600 bisita ang dumalo sa “one of a kind” ceremony, ayon sa ulat ng wedding photographer sa ABC News.

Dagdag ni Durante, tradisyon na sa pamilya ang pagpapakasal nang sabay-sabay at ang brides ay may mga kamag-anak ding nagpapakasal nang sabay-sabay noon pa man.

Ngunit kung sino ang pinakamagandang bride nang araw na iyon: sinabi ng mister ni Tagiane na si Eduardo, sa photographer, na si Tagiane ang “the most beautiful one,” bagama’t ibinunyag ng photographer na inamin ni Eduardo na napagkamalan niya si Rocheli bilang si Tagiane, na kanyang niyakap mula sa likod.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …