Thursday , January 9 2025

Panaginip mo, Interpret ko: Balon at dagat sa panaginip

00 PanaginipTo Señor,

Bakit po tuwing mananaginip po ako kung hindi dagat balon minsan pa baha ang napapanaginipan ko. Halos gabi-gabi po lageng ganun nalang ng ganun ang napapanaginipan ko po. Taz po napanaginipan po ng dagat balon at baha po kinabukasan po or paggcng ko po. umiiyak po ako.kc nagtatalo po kami ng asawa ko po. anu ga po ang ibig sabhn ng mga panaginip ko po. Pd ga po wag nio nalang po eipublish or ilathala ang # ko po.salamat po.jin po ng tondo.

 

To Jin,

Ang dagat na napanaginipan ay may kaugnayan sa iyong unconscious at sa iyong transition sa pagitan ng unconscious at ng conscious na kamalayan. Ito rin ay may kaugnayan sa iyong emosyon. Posible rin naman na ito ay isang pahiwatig ukol sa mga bagay na dapat mong maintindihan at makita nang mas maayos at malinaw. Maaari rin naman na ito ay pahiwatig sa pangangailangang i-reassure ang iyong sarili o magbigay ng reassurance sa iba. Ito ay nagbibigay din ng hope, new perspective, at positive outlook sa buhay gaano man kahirap ang mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap.

Kung sa iyong panaginip ay nakakita ng balon, ito ay nagre-represent ng ukol sa iyong hidden abilities at talent na hindi pa lumalabas o hindi pa kinikilala. Ang balon ay maaari rin namang simboliko ng lalim ng iyong emosyon. Maaari rin namang ito ay magsilbing depository ng iyong emosyon at kung paano mo sinisikap o sinusubukan na i-suppress ito.

Kapag nanaginip ng ukol sa baha, ito ay may kaugnayan sa pangangailangang mai-release ang ilang sexual desires. Kung ang baha ay nangangalit, ito naman ay may kaugnayan sa emotional issues at tension. Ang iyong repressed emotions ay nangingibabaw sa iyong damdamin. Alamin kung saan nanggagaling ang baha upang makakuha ka ng idea kung saan nanggagaling o ano ang nagiging sanhi ng iyong stress at tension. Alternatively, ang iyong panaginip ay maaari rin namang nagsasaad na baka ikaw ang nagiging sanhi ng stress at pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo. Sa kabilang banda, posible rin namang nagpapakita ang panaginip mo ng hinggil sa spiritual change o reawakening.

Mas makabubuting mag-usap kayo ng mahinahon ng asawa mo para hindi mauwi sa pagtatalo ang ukol sa iyong mga panaginip. Normal na bagay lang ang panaginip kaya hindi dapat mabahala, bagkus dapat itong unawain sa anumang mensaheng taglay nito. Maaaring may kaugnayan din ang panaginip mo sa pinagdadaanang problema at stress sa kasalukuyan, kaya dapat kang maging matatag sa mga pagsubok at huwag mawawalan ng pananalig sa Diyos.

Señor H.

 

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *