Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liver Marin vs Hapee

020415 PBA D Leagueni Sabrina Pascua

INAASAHANG ibubunton ng Hapee Toothpaste ang sama ng loob nito sa ATC Liver Marin sa kanilang duwelo sa 2015 PBA D-League Foundation Cup mamayag 1 pm sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 11 am ay maghaharap ang Tanduay Light at AMA University Titans na kapwa naghahangad na makabawi sa nakaraang kabiguan.

Ang Fresh Fighters, na nagkampeon sa nakaraang Aspirants Cup, ay hiniya ng Jumbo Plastic Linoleum, 64-61 sa kanilang unang laro noong nakaraang Lunes.

Halatang ramdam ng Fresh Fighters ang pagkawala ng mga San Beda players na sina Ola Adeogun, Baser Amer at Art dela Cruz na hindi na pinayagang maglaro sa torneo dahil naghahanda na ang Red Lions para sa darating na NCAA tournament.

Bukod dito ay hindi rin nila kasama ang beteranong si Garvo Lanete na may knee injury. Nalimita rin sa iisang puntos si Aspirants Cup Most Valuable Player Bobby Ray Parks na nagbabalik buhat sa shoulder injury.

Subalit nakapagbigay pa rin ng magandang laban ang Fresh Fighters na dumikit, 62-61 sa basket ni Scottie Thompson. Sineguro nga lang ni Jaym Eguilos ang panalo para sa Giants sa pamamagitan ng dalawang free throws sa huling 6.6 segundo.

Bukod kay Thompson na nagtala ng 17 puntos, tanging si Chris Newsome ang gumawa ng double figures para sa Hapee Toothpaste nang magdagdag siya ng 12.

Ang Liver Marin ni coach Rodney Santos ay nasa ibaba ng standing matapos makalasap ng dalawang sunod na kabiguan. Natalo sila sa AMA University Titans, 89-81 sa opening game ng torneo. Nalasap nila ang ikalawang kabiguan nang tambakan sila ng KeraMix Mixers, 89-71.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …