ni James Ty III
NANGUNA si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa karera para sa pagiging Best Player ng PBA Commissioner’s Cup.
Sa pagtatapos ng elimination round ay nagtala si Fajardo ng average na 33.9 statistical points dulot ng kanyang mga averages na si 16.5 puntos, 12.6 rebounds at 1.9 supalpal sa loob ng 11 na laro.
Nasa ikalawang puwesto si Jayson Castro ng Talk n Text na may 32.2 SPs samantalang hawak ni Paul Lee ng Rain or Shine ang ikatlong puwesto na may 32 SPs.
Ngunit dahil laglag na ang Beermen ay inaasahang hahabol sina Castro at Lee kay Fajardo lalo na kung parehong papasok ang Tropang Texters at Elasto Painters sa semifinals.
Nasa Top 5 din sina Greg Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel (31 SPs) at Terrence Romeo ng Globalport (30.4).
Nanguna si Romeo sa scoring ngayong torneo sa kanyang average na 20.8 puntos bawat laro.
Sa Best Import naman ay numero uno si Denzel Bowles ng Purefoods Star Hotdog na may 59.8 SPs mula sa kanyang mga averages na 33.4 puntos, 15.2 rebounds, 3.8 assists at 2.8 supalpal bawat laro.
Isang panalo na lang ang kailangan ng Hotshots kontra Alaska mamaya upang makaabante sa semifinals.
Si Bowles ay dating Best Import ng Commissioner’s Cup noong 2012.