Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cabrera nangunguna sa 2015 Petron Blaze karting series

Kinalap ni Tracy Cabrera

033015 Gabriel Cabrera

INUNGUSAN ni Gabriel Cabrera si Lean Linao para masungkit ang inaugural ROK Shifter Senior Max Diesel crown sa simula ng 2015 Petron Blaze 100 ROK Karting Super Series sa Carmona Racetrack sa Cavite.

Sakay ng bagong ROK Shifter sa kauna-unahang pagkakataon, hinataw ni Cabrera ang oposisyon at hinawi ang hamon ni Linao para makopo ang top honors sa event na pinasok nitong nakaraang taon makaraang umani ng malakas na suporta sa Italy at iba pang bansa sa Europa.

Inilinya ang serye bilang bagong premier class para mapanatili ang mga Pinoy karter na makasabay sa world karting competition.

Napapuwesto sa ikalawang baytang sa Time Trials si Cabrera, ang 15-taon-gulang na Grade 10 student sa Makati Hope Christian School, sa pagtatapos niyang 44.048 segundo.

Kasunod nito, binalikan ng Seaoil karter ang Qualifying heat at pre-final na pina-ngunahan niya nang isang lap sa kanyang mga katunggali.

Sa make-or-break bid ni Linao, tinugon ito ni Cabrera ng matinding defensive moves para biguin ang dating kampeon at sungkitin ang top spot sa huling limang lap patungo sa pagwawagi.

Nakompleto ng 2014 Junior Karter of the Year ang 20-lap race sa 16 minuto, 29.360 segundo o 0.475 na lamang kay Linao. Pumangatlo si VJ Suba.

“Magandang simula ito. Pero marami pa tayong pag-aaralan sa aking pa-ngalawang karera bilang Senior Karter at gayon din ang pagmamaneho ng bagong ROK Shifter.

Kahit nanalo ako, ramdam ko na kaila-ngang maging pamil-yar ako sa bagong makina,” ani Cabrera.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …