Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Karibal ni Kevin kay Maybelle (Part 10)

00 karibalNAKAKAPIKON, NAKAKINIT NG ULO ANG MGA BALITA SA EX NI KEVIN

mga kamay sa pagsasalita.

Sabog ang pagkalakas-lakas na halakhakan.

Hindi lang iyon ikinatulig ni Kevin, ikinapikon din niya.

“Pa’no mga tsong… kanya-kanyang garahe na tayo…” ang pasimpleng pagdispatsa niya sa mga kainuman.

Mistulang pampasaherong dyip na minamaneho ng driver na naghahabol sa boundery ang tulin sa paglipas ng mga araw. Hindi tuloy namalayan ni Kevin na mahigit isang buwan na siyang nagbuburo sa loob ng kanilang bahay, nalibang sa panonood ng sari-saring tema ng mga pelikula sa DVD, sa pagbabasa ng mga pocketbook, pakikipag-facebook at sa paki-kipag-chess sa matandang lalaking kapitbahay.

“Nakapanganak na pala ang ex mo, oy! May junior na sa kanya si Nonito…” ang sabi ng retiradong barbero na kalaro niya ng chess.

“Ano’ng paki ko ro’n, Tata Ipe?”dabog niya sa pagsusulong ng pawn sa chessboard.

Nang araw na yaon, pinagbigyan ni Kevin ang paglalambing ng mga kapatid na sa labas sila manghalian ng buong mag-anak. Hindi sadyang namataan niya sa pagbaba ng kanilang bahay ang isang multi-cab ng barangay. Nasa tapat iyon ng gate ng pitong palapag na gusaling ipinamana ni Mang Ong kay Nonito. May kung anong lulan iyon na inuusyoso ng mga tagaroon. Pero hindi masyadong napokus doon ang kanyang atensiyon.Tiyempo kasi iyon sa pagdaraan ng namamasaherong taksi.

Alistong nagsakayan sa hulihang upuan ng taksi ang tatlo niyang nakababatang kapatid. Nakisiksik doon ang kanyang ina.

(Itutuloy)

 

n Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …