Thursday , December 26 2024

PNP-CIDG chief Gen. Benjamin Magalong may prinsipyo na may ‘balls’ pa!

00 Bulabugin jerry yap jsySANA lahat ng police top brass ‘e may paninindigan na gaya kay Gen. Benjamin Magalong, ang Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at namuno sa Board of Inquiry (BOI) na nangalap ng mga ebidensiya at nag-imbestiga sa Mamasapano incident noong Enero 25, na ikinamatay ng 44 commando ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF).

Buong paninindigan na pinangatawanan ni Gen. Magalong bilang namumuno sa BOI ang kanilang findings at resulta ng imbestigasyon hinggil sa mga sirkumstansiya na ikinamatay ng 44 SAF commando.

Malaking bagay na isang gaya ni  Gen. Magalong ang namuno sa BOI lalo’t nasa gitna ng tila krisis sa kredebilidad ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kung hindi man tinitingnang positibo ng ilang mga taga-administrasyon ang findings ng BOI, sa ating palagay ay nagkakamali sila.

Malaking bagay ito para ma-neutralize ang negatibong pagtingin sa PNoy administration. Ibig sabihin, kung nakapagpapasya nang gaya nito si Gen. Magalong, nangangahulugan lamang na mayroong tunay na demokrasya sa ilalim ng pamumuno ng isang Aquino.

Gaya ng gustong imarka ng pamilya Aquino sa kasaysayan na sila ay poder ng demokrasya.

At para tuluyang magkaroon ito ng kahulugan, nararapat tanggapin ni PNoy, sa ayaw at sa gusto niya, na malaki rin ang kanyang pananagutan sa nasabing insidente.

Lalo pa’t litaw na litaw na ipinagkatiwala niya ang isang maselang operasyon sa isang suspendidong PNP chief — ang kaibigan at kabarilang si Gen. Alan Purisima.

Habang mahigpit na itinagubilin na ilihim kina SILG Mar Roxas at Acting PNP OIC Gen. Leonardo Espina ang Mamasapano operations.

Pero dahil may immunity nga ang Pangulo, hindi siya maaaring papanagutin — kaya si SAF chief, Gen, Getulio Napeñas ang nahagip ng espada ni Damocles.

And the rest is history…

Pero ang tinitiyak natin, kasama sa history na ‘yan ang mapanindigan at maprinsipyong pagpapasya ng BOI chief.

Saludo tayo kay Gen. Magalong at sa lahat ng bumubuo ng BOI!

Congrats Gen. Boyet Balagtas!

BINABATI natin si Chief Supt. Pablo Francisco “Boyet” Balagtas dahil sa magkasunod na karangalan at responsibilidad na iginawad at iniatang sa kanya.

Una, iginawad na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang unang estrelya sa kanyang balikat at ikalawa siya ay itinalagang Director ng  PNP  Aviation Security Group.

Masasabi nating malayo na talaga ang narating ni kaibigang Boyet kung career ang pag-uusapan.

Mula sa pagiging hepe ng maliit na unit sa Western Police District (MPD ngayon) ay ganap na ang pagiging director niya ng PNP-ASG.

Alam natin na kayang-kaya mo ang trabahong ‘yan dahil sa iyong ugaling likas na masipag, matiyaga at determinado bukod pa na ikaw ay isang mahusay na lider/hepe.

Kung inaakala ninyong si Gen. Balagtas lang ang natutuwa sa sunod-sunod na suwerteng ito, aba nagkakamali po kayo.

Lahat ng mga taong malapit kay Gen. Balagtas ay natutuwa dahil mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang kanyang ugali.

Congratulations kaibigang Boyet!

MPD Chief Gen.  Rolando Nana may alaga ka bang berdugo sa HQ?

NAHINDIK naman tayo sa naispatang retrato ng photojournalist nating si BONG SON na naka-BEAT d’yan sa Manila Police District (MPD).

Mantakin ninyong IPINAGBUHOL ang apat na suspek sa pamamagitan ng sa tantiya natin ay tatlong kilong kadena na ikinandado ng apat na malalaking padlock.

SONABAGAN!!!

Biktima ba ng asong may rabies ang apat na suspek at kailangang ikadena nang higit pa sa isang hayop?!

E kung ‘yung mga hayop nga ‘e bawal nang itali sa pamamagitan ng kadena, ‘yung mga tao pa kaya?!

Sabihin na nating non-bailable offense ang kinasasangkutan ng apat na akusado, dapat ba silang ipagbuhol na parang hayop sa isang napakabigat na kadena?!

Saan na napunta ang mga posas ng mga pulis ninyo, Gen. Rolando Nana?!

Naisangla ba o nabenta!?

Human Rights chairman Etta Rosales, nasaan ka Ma’m?!

‘Tang Na na talaga!   

Kickin’ Alive @25 in PH ‘Art capital’

The Angono Private High School (APHS) Class of 1990 will celebrate its 25th (Silver) Anniversary on March 28, 2015 at the APHS New Site campus in Barangay, Pag-Asa, Binangonan, Rizal. The theme for this once in a lifetime event is Kickin’ Alive @25 and guests who are invited to grace the occasion include celebrities like crooner Anthony Castelo and “Mark M,” who is more popularly known as the “man with 60 voices.” Angono Mayor Gerardo Calderon will be the Guest of Honor ad Speaker. Also invited to attend are local government and police officials in the province, along with former and active APHS teachers. For inquiries, you may contact Zoraida Noble-Ilaga at 09278740248.

Anay ng PNP daw si Gen. Alan Purisima

SABAGAY PNP chief makapal talaga ang mukha mo e. Buti nalulunok ng pamilya mo na kainin ang mga kinurap mo. Di ka din makakaligtas kay apo san pedro dahil may CCTV sya. Dapat nga nasa preventive suspension o mgretiro ka na lang dahil may kaso ka pero isinisiksik mo pa rin ang sarili mo dahil gusto mo ituloy ang tuwid na daan sa PNP at magkapera. Puro masama ang legacy mo sa PNP. Paging DILG at President NOY nasaan ang tuwid na daan pakituro n’yo nga kay Purisama, mukha ‘ata naligaw ng landas o baka nababading kyo kay Purisama kaya ayaw nyo palitan. Si Gen. PURISIMA ang ANAY sa PNP. ‘Wag n’yo isakripisyo na tuluyan masira ang imahe ang PNP. Sira na nga gagawin pa lalo sira hindi porke kaibigan o mahal mo si Purisima ngursiit. – Concerned PNP Personnel Crame. #+63920100 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *