Monday , November 18 2024

Congratulations Graduates… Congratulations Proud Parents!

031814 GraduationPANAHON na naman po ng mga pagtatapos (maliban sa mga unibersidad na nagbago ng kanilang fiscal academic year) mula sa pre-school, elementary, high school hanggang kolehiyo.

Batid natin na maraming mga magsisipagtapos na mga mag-aaral. Marami sa kanila ang sisigaw ng yeheey lalo na ‘yung mga magtatapos with flying colors.

Ito kasi ang regalo nila sa kanilang sarili, lalo’t higit sa kanilang mga magulang na katuwang nila sa pagsisikhay.

Mayroon din magtatapos na masayang malungkot, lalo na kung mag-isa nilang itinaguyod ang kanilang sarili.

Mga magulang na nagtiis maghiwalay sa mahabang panahon dahil overseas Filipino worker (OFW) ang isa, at ang isa ay nag-alaga ng kanilang mga anak para maitaguyod ang pag-aaral hanggang makatapos.

Mga single parent na mag-isang itinaguyod ang kanyang mga anak hanggang makatapos ng kolehiyo.

Mga tito o tita, lolo o lola na napag-iwanan ng kanilang mga pamangkin o apo dahil sa mga hindi inaasahang sirkumsitansiya sa buhay.

Ilan lang sila sa mga karakter na nakatutuwang pakinggan ang kuwento dahil napagtapos nila ang kanilang mga ‘anak.’

Lahat po tayo ay mayroong mga pagsubok na dinaraanan lalo na’t pagpapalaki at pagpapaaral sa anak ang pag-uusapan, pero sana po ay huwag tayong magsawa. Patuloy natin silang igiya patungo sa pagpapahalaga sa edukasyon.

Lagi ko pong ibabahagi sa inyo ang minsang sinabi ng yumaong labor leader at party-list representative na si Hon. Crispin “Ka Bel” Beltran — “Sa kahit anong sistema ng lipunan, mahalaga ang may pinag-aralan.”

Sa lahat ng graduates — CONGRATULATIONS!

Sa lahat ng mga magulang — sampung ulit na CONGRATULATIONS ang nais kong ipaabot sa inyo!

Karapat-dapat kayo sa inyong mga pagsisikhay sa buhay… mabuhay po!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *