MAY dalawang main feng shui tips na maaaring makatulong sa pagpili ng best feng shui color ng inyong house exterior.
Mainam manirahan sa bahay na tugma sa kapaligiran, natural at man-made. Alamin ang mga kulay na tugma sa lahat ng mga elemento sa paligid ng inyong bahay; suriin ang mga kulay ng kalikasan, gayundin ang mga katabing kabahayan. Ang good feng shui house ay may balanced relationship sa outside elements.
Mag-apply ng deeper feng shui level at pumili ng mga kulay base sa feng shui birth elements ng mga miyembro ng pamilya. Kailangan mong tiyakin na iyong nauunawaan ang inter-aksyon ng limang feng shui elements upang mapili ang best feng shui color.
Kung ito ay naging komplikado, o maguluhan ka sa compex feng shui info, ang best way ay sundin ang unang feng shui tip, pagtuunan din ng pansin ang piniling kulay para sa inyong front door.
Ang front door ay napakahalaga sa feng shui dahil sa front door ng bahay pumapasok ang nourishing Chi, o universal energy.
At siyempre, sa pagpili ng best feng shui color para sa house exterior, susundin mo ang lahat ng typical exterior color paint recommendations, katulad ng pagkonsidera sa kulay ng bubungan, gayundin ang kulay ng house elements na hindi maaaring pintahan, katulad ng brick walls, halimbawa, o stone steps at railings.
ni Lady Choi