Friday , November 15 2024

Parañaque Budget Head hiniling ipa-lifestyle check (Attention: Ombudsman)

00 Bulabugin jerry yap jsyILANG mga taal na taga-Parañaque na nagtatrabaho sa city hall ang lumapit sa inyong lingkod at nakiusap na tulungan sila para maipa-lifestyle check o mapaimbestigahan ang hepe ng kanilang budget office.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang kanilang hepe na si Flocerfida Babida ay siya rin hepe noong panahon ni Joey Marquez.

Ayon nga sa mga naggugumiit na ipa-lifestyle check si Babida, marami na raw naisubi ang nasabing hepe dahil kabisado na niya ang pasikot-sikot sa budget office.

Kabisadong-kabisado na nila kung paano paiikutin ang supply and bidding.

Nagagawa umano ni Babida ‘yan sa tulong ng isang Riza Alfiler, na isang casual employee sa Budget pero dala-dalawa ang sasakyan, bago ang bahay at nakapagpapautang (5/6) pa sa mga empleyado.

Hindi na rin umano nakapagtataka kung bakit sandamakmak ang assets ni Babida sa Batangas?

Magaling umanong ‘magpaikot’ ng pera sina Babida at Riza.

Ultimo utol ni Riza na isa rin casual ay kontodo alahas ang porma. Dinaig pa raw ang mga Saudi boy.       

Tsk tsk tsk…

Mukhang maging si Mayor Edwin Olivarez ay napapaikot nitong sina Babida at Riza?!

Ang tanong nga ng mga concerned Parañaque city hall employees, sobra ba ang bait ni Mayor Olivarez at nagiging talamak ang korupsyon sa city hall?

Hindi naman daw ganyan kagarapal noong administrayon ni dating Mayor Jun Bernabe?!

ANYARE Yorme Olivarez!?

BOI result lalong nagdiin kay Napeñas

MARAMI ang bumilib at natuwa sa ipinakitang tapang ni Board of Inquiry (BOI) head, CIDG Dir. Gen. Benjamin Magalong nang ilabas nila ang resulta ng imbestigasyon.

Kumbaga, sabi nga sa usapang lalaki, may yagbols si Gen. Magalong.

Naipakita nilang malaki ang pananagutan nina Gen. Alan Purisima at mayroon din si Pangulong Benigno Aquino III… pero lalong nadiin ang sinibak na hepe ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na si Gen. Getulio Napeñas.

Iniisip tuloy natin na parang ‘buhos-tubig’ ito sa mainit na damdamin ng sambayanan lalo ng mga pamilya ng napaslang na Fallen 44.

Pero ang gusto natin itanong at interesadong malaman ng mga kababayan natin, ano ang kaparusahan sa mga dapat managot?!

Maiibsan man lang ba ang kirot na nararamdaman ng mga naulila?!

Maaalis ba nito ang pangamba ng mga iba pang SAF na laging isinasalang sa mga mapanganib na operasyon?!

At higit sa lahat, gusto nating tanungin, ang SAF ba ay tagaligtas ng sambayanan o ginagamit lang sa mga espesyal na operasyon pabor sa interes ng kung sino ang  nakaupo?!

Ang buhay ba ng SAF ay para sa bayan? O sa interes lang ng iilan?!

Paki-explain!  

MEV Joda Members inaabuso ng opisyales

GOOD am po sana po matulungan po ninyo kami d2 po sa Muñoz. ung pres ng MEV joda ayaw magpa-election kawawa ang mga driver byad nang byad lang, illegal din cla wala pong bnibgay na permit ng brgy sa kanila drin nagpapa-meeting sa mga miyembro cla na lang ng mga opis-yales ang gumagawa ng batas d sinasangguni sana po matulungan niyo kami. thanks po. God Bless.

– MEV JODA concerned drivers

Una po sa lahat, kayong mga miyembro ang makapagpapasya niyan. Kung alam ninyong niloloko lang kayo huwag po kayong magbayad. Magbuo kayo ng sariling samahan kung alam ninyong mas nakararami kayo. Pwede rin po kayong kumunsulta sa abogado para alam ninyo ang bawat hankbang na gagawin ninyo. Pumili lang po kayo ng abogado na magmamalasakit sa inyo. Salamat po sa pagtangkilik at pagtitiwala.   

Talamak na corruption sa Manila DPS inireklamo

JERRY YAP talamak ang corruption sa Manila DPS dahil nakikialam Che Borromeo na isang sugarol at may OTB pa sa Grand Central Lawton. #+63937232 – – – –

Maaari po bang pakidetalye ang mga sinasabi ninyong corruption?

Sobrang PDA ng Tawi-Tawi coed?

BAKIT karamihan sa mga babaeng estudyante ng MSU Tawi-Tawi ay napakalandi. Da more na nasa public place cla da more na ngpapalaswa ng dating thru public display of affection.

#+63905318 – – – –

Attention: MSU Tawi-Tawi, kung minor pa po ‘yang mga estudyante ninyo na grabe mag-PDA ay pwede ninyong i-reprimand.

Solusyonan ang lumang problema sa edukasyon, K-12 program ibasura

GOOD pm Brod. Jerry, tma po ang txter nyo n dpat hwag nang ituloy ung K-12 n yan dagdag pahirap lng yan sa mga mag-aaral at higit sa mga magulang dapat bago ang K-12 n yan solusyonan muna ng pamahalaan (dep-ed) ang matagal nang problma sa edukasyon n cla rin my sbi kakulangan daw ng mga guro (2) kakulangan ng mga skul building (3) kakulangan ng mga upuan at kakulangan ng guro sa kbila ng maraming nka tambay n mga guro. Malaking budget ng dep-ed. Sbi nla ang K-12 daw pra maiangat ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas hindi ako naniniwala na aangat ang kalidad ng ating edukasyon hangga’t hindi masolusyonan ung 3 problms na nbangit tnx. #+63930156 – – – –

Sunod-sunod na sunog sa metro imbestigahan

GOOD pm po nakakaalarma na nga ang mga nagaganap na mga sunog sa Metro Manila dapat seguro maimbestigahan ang tunay na sanhi ng mga sunog na ‘yan e baka may mga kumikita na riyan at nakikinabang sa mga sunugan na ‘yan. #+63930156 – – – –

Tupadahan sa Brgy. Tigbe Norzagaray, Bulacan ‘spoiled’ sa barangay at pulisya

PATULOY pa rin ang pamamayagpag ng illegal na tupadahan sa Sitio Hulo sa Brgy. Tigbe sakop ni Brgy. Chairman Jose “Joe” Grador ng bayan ng Norzagaray Bulacan. Wala na rin pinipiling oras sa pagkasugapa ng mga sabongero sa illegal na tupadahan at kung araw naman ng Sabado at Linggo alas otso ng umaga ay mas matindi ang dating ng mga mananabong gayon dn naman ang mga mamumusta na para bang ‘di na cla nauubusan ng pera sa kanilang mga bulsa. Isa sa  nagpapatakbo nito ay c dating kagawad Baldo Gener ng nasabing brgy. Mayor Fred Germar ng Norzagaray Bulacan, ano po ba ang masasabi ninyo sa  Brgy Tigbe na sakop ninyo? Talaga bang maypagka-inutil ang mga brgy officials at mga pulis n’yo para maipatigil ang illegal na tupadahan sa bayang nasasakupan mo? Tnx po concerned citizen. #+63923347 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *