NGAYONG last term na ni Governor Joey Salceda sa Albay, marami ang nangangarap na masungkit ang kanyang puwesto.
Isa na nga raw dito si Department of Environemnt and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje .
‘Yan ang problema natin sa ilang nakapupuwesto sa pamamagitan ng kanilang political alliances.
Masyadong nasasarapan!
Kaya kapag nakakita ng pagkakataon sinusunggaban agad.
Pero dahil karapatan ng bawat isa sa atin ‘yan alinsunod sa Konstitusyon, e wala tayong magagawa kung may mga opisyal ng gobyerno na walang delicadeza.
Makikiusap na lang tayo… puwede bang nipis-nipisan ninyo ang panghihiram ng kapal ng mukha?!
Mag-resign ka muna Secretary Paje para naman hindi ka mapagbintangan na nag-iipon ng pondo para sa pangangampanya.
‘O di ba?
Por delicadeza lang, Secretary Paje…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com