ni Roland Lerum
NATUWA kami habang pinapanood si Kuya Boy Abunda sa Cinema 1 na iniinterbyu ang mga child star na sumikat sa kani-kanilang panahon na ngayon ay may mga asawa’t anak na, tulad nina Nino Muhlach, Snooky Serna, Matet de Leon, atVandolph Quizon. Sayang at wala si Aiza Seguerra na sumikat din noon.
Pero sa apat, wala na sa kanila kung hindi man sila kasingsikat ngayon kaysa noong kabataan pa nila. Sa kanila, si Nino lang ang tanging child star na nagkamit ng Hall of Fame bilang Childstar sa FAMASdahil sa tatlong awards na nakamit niya noon.
Si Nino gaya ni Vandolph ay itinatangi si Dolphy bilang katrabaho sa pelikula. Hindi malilimot ni Nino ang pelikulang Ang Tatay Kong Nanay at si Lino Brocka ang isa sa paborito niyang direktor bukod kay Erasteo “Baby” Navoa na gumawa ng karamihan niyang pelikula noong nagsisimula pa lang siya.
Si Matet pala noon ay masama ang loob kay Aiza dahil ipinagkakalat nito na ”malapad ang kanyang noo” noon kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong harapin ito, sinapok niya.
Inamin naman ni Snooky na tinamand siyang ipagpatuloy ang pagiging childstar niya noon nang matuklasan niyang parang walang nangyayari sa katatrabaho niya dahil walang improvement ang buhay nila. Naging factor din ang palaging pag-aaway ninaMila Ocampo at Von Serna na nauwi sa hiwalayan.
Challenging din kay Vandolph na makatrabaho rin si Da King FPJ noon, gaya ni Nino. ‘Yung car accident niya noong 2001 ay hindi niya malilimutan lalo na nang matuklasan niyang inililihim sa kanya na patay na pala ang kasama niyang girlfriend noon.
Si Kuya Boy lang talaga ang pwedeng makapagtanong sa mga dating childstars of yesteryears ng mga tanong na ganoon ka-impact ang dating.