Saturday , November 2 2024

Pasay City Police bumaho sa umapaw na pozo negro

112614 pozo negroPANSAMANTALANG paralisado ang operasyon sa tanggapan ng Station Investigation Detective & Management Branch (IDMB), Intelligence Unit, at Follow-up Operation Unit ng Pasay City Police bunsod nang matinding baho dahil sa umapaw na tubig sa baradong pozo negro.

Halos hindi makapagtrabaho ang karamihan ng pulis dahil hindi nila makayanan ang nakasusulasok na amoy nang umapaw ang naninilaw na tubig mula sa baradong pozo negro na kumalat sa baldosa ng kanilang tanggapan.

Sinabi ni Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng SIDMB, ilan  sa kanyang mga tauhan ang hindi na matagalan ang mabahong amoy at posibleng magkasakit sila.

Dagdag ni Goforth, imbes makapagtrabaho nang maayos, napipilitan silang umalis nang maaga bagama’t hindi pa tapos ang kanilang trabaho.

Maging ang mga nagsasampa ng reklamo ay hindi matagalan ang amoy na umaalingasaw.

Hindi na rin makapasok sa loob ng kanyang tanggapan ang hepe ng Intelligence Unit na si Inspector Aurelio Domingo.

Nanawagan ang mga tauhan ng Pasay City Police kay Pasay City Mayor Antonino  Calixto na aksiyonan ang kanilang nararanasan sa loob ng kanilang tanggapan at kung maaari ay pasyalan sila ng alkalde para malaman ang kanilang problema.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *