Wednesday , December 11 2024

Modus ng pagpupuslit ng indian national nasakote sa NAIA T-3

ITO pa ang isang ‘henyo’ raket ng ilang tulisan sa airport pero sorry na lang kasi nabisto na ang matagal na kawalanghiyaan nila.

Isang Indian national na nagkunwaring empleyado ng isang kompanya ang nasakote ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport  (BI-NAIA) T3.

Nakaraang linggo, nabulgar ang ilegal na pagpasok sana ng isang  Indian national na nagpanggap pa na NAIA employee.

Peke rin ang visa na nakompiska sa nasabing dayuhan.

Kinilala ng BI ang Indian national na isang Sevah Singh, dumating sa bansa sakay ng Cathay Pacific flight CX912 mula Hong Kong bago mananghali dalawang Martes na ang nakararaan.

Nagdere-deretso si Singh sa personnel exit sa NAIA Immigration area pero nasabat at nasita nina Immigration officers (IO) Arneliza Parungo at Jeathone Largo nang mapansin nilang kakaiba ang ikinikilos.

”Nakita siyang nakasuot ng pekeng Airport ID at reflectorized vest, gaya sa isinusuot ng air traffic controllers,” anang taga-BI.

Binati at tinanong ng dalawang IO ang kambing ‘este Bombay kung tapos na ang trabaho niya pero hindi makasagot kaya nagduda sila at nilapitan. Laking gulat ng dalawang IO dahil Bombay pala ang kamoteng naka-disguise.

Sa imbestigasyon, nabatid na si Singh ay ini-eskortan ng isang dating Cebu Pacific Air employee na kinilalang si Ronnie Ballesteros.

Napansin agad ng BI na walang arrival stamp ang pasaporte ni Singh at peke ang entry visa.

Nang masabat si Singh, natuklasan ng  Immigration officers na ang kanyang Philippine visa ay peke rin, kaya pala tinangka ni-yang iwasan ang Immigration.

Buti na lang at agad nasakote si Singh ng matatalas na Immigration official.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *