Sunday , December 22 2024

Carnap king ng bansa, bumagsak sa QCPD-Ancar

00 aksyon almar

MALAKI ang itinaas ng carnapping cases sa unang kalahating taon ng 2014 kompara sa nagdaang taon.

Noong nakaraang taon (Enero hanggang Hunyo) halos 1,500 cases lang ang naitala habang halos umaabot na sa 3,000 para sa Enero hanggang Hunyo 2014.

Sa 3,000 cases halos 2,000 dito ang pagta-ngay ng motorsiklo na ang ilan ay nagagamit sa panghoholdap ng riding in tandem.

Nakababahala ang paglobo ng carnapping sa bansa sa kabila ng sinasabing PNP Traffic Ma-nagement Group (TMG) na nagtatrabaho naman ang lahat – mulang mga task force-task force (daw) ng TMG hanggang sa Ancar ng mga es-tasyon ng pulisya.

Pero kung susuriin, mukhang isang kalokohan ang sinasabi ng TMG na mahigpit ang kanilang kampanya laban sa mga carnapper. Oo kasinungalingan lang ang lahat dahil tumaas ang bilang ng carnapping imbes bumaba.

Paano kasi, ilan sa matataas na opisyal ng TMG ay pulos porma at yabang lang ang alam na gawin. Kaliwa’t kanan pagpapaporma at pagyayabang ng mga mamahaling big bike ang iniintindi na hindi naman nakatutulong sa kampanya laban sa carnapping.

Laging wala na nga sila sa opisina ng TMG sa kampo Crame para suportahan ang kampanya laban sa carnapping, hayun laging nasa inuman pa ang ilang opisyal sa isang kampo ng pulisya. Tagay pa!

Kaya, siyempre kapag ang pusa ay naglagalag, ang mga daga naman ang maglalabasan sa lungga para mag-lagalag din na nagresulta ngayon sa sobrang taas ng carnapping incident sa bansa.

Ngunit sa kabila ng masasabing pagkukulang ng TMG, mabuti na lamang at hindi naman pabaya sa kampanya laban sa krimina-lidad ang Quezon City Police District (QCPD). Kabilang nga sa mahigpit na kampanya ni QCPD District Director, Chief Supt. Richard A. Albano, ang masugpo ang carnapping sa Kyusi bagamat masasabing napakaimposibleng mangyari.

Imposible man masugpo o maging carnapping-free ang QC, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang QCPD sa kanilang giyera laban sa carnappers.

Heto nga, nitong nakalipas na weekend, hindi man masugpo ang carnapping, nakabitag naman ng malaking isda ang QCPD.

Oo, bumagsak sa QCPD Anti-Carnapping at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang kilalang hari ng carnapping sa bansa na li-der ng pinakamalaking carnapping group – ang Mac Lester Carnapping group.

Nadakip ng mga operatiba ang pinuno ng grupo na si Mac Lester Reyes sa isinagawang tatlong araw na magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila at Quezon Province.

Natunton si Reyes sa kanyang pinagta-taguang condominium nang ikanta siya ng dalawa niyang naunang naarestong bataan.

Narekober sa grupo ang iba’t ibang mga mamahaling carnap na sasakyan; mga iba’t ibang plaka na magkakambal; mga suking ginagamit sa pagbubukas ng sasakyang tatangayin, droga at iba pa.

O ano, kayo diyan sa TMG, mahiya-hiya naman kayo. Kayo pa naman ang inaasahan na manguna sa giyera laban sa carnapping, kayo pa itong tutulog-tulog at pulos kayabangan lang ang alam sa pagpapaporma ng big bike.

Sa QCPC, lalo na sa Ancar na pinamumunuan ni Insp.Rolando Lorenzo, Jr., congratulations po sir, maging sa inyong mga tauhan tulad nila SPO3 Telen at Torrecampo.

Good work!

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *