Sunday , November 3 2024

QCPD Press Corps, 25 taon na po kami! Salamat Panginoon

00 aksyon Almar
BUKAS na! Ang alin? Ang selebrasyon ng Quezon City Police District Press Corps ng kanilang, este ng aming SILVER ANNIVERSARY. Wow, 25 taon na ang press corps. Parang kailan lang binuo ng aming mga ‘ninuno’ este, founding officers at members pero bukas iseselebra na ang ika-25 KAARAWAN ng QCPD Press Corps.

Salamat po Panginoong Diyos. Hindi po maaabot ng Press Corps ang edad na ito kung hindi sa inyong mga pagpapala lalo na ang inyong ibinibigay na katalinuhan sa mga opisyal na namuno rito simula nang itatag ang orga-nisasyon hanggang ngayon.

Thank You LORD JESUS for ALL the BLESSINGS. Hindi lamang sa mga kailangan ng opisina kundi para sa magandang kalusugan ng bawat miyembro.

Katunayan mga ‘igan, nito pang Hunyo 2014 ang kaarawan ng QCPD Press Corps. Itinatag kasi ang asosasyon noong Hunyo 1989.

Siyempre, wala ang QCPD Press Corps kung wala rin ang mga binigyan ng Panginoong Diyos ng katalinuhan para buoin ang samahan at patakbuhin nang maayos.

Obvious naman na napatakbo nang maayos ang Press Corps ng mga umupong opisyal si-mula noong 1989 hanggang ngayon, dahil nari-yan pa rin ang asosasyon na hanggang ngayon ay solido pa rin ang samahan. Katunayan ay umaabot na rin sa 150 ang miyembro ng Press Corps.

At siyempre, una natin pasalamatan ang mga nagtatag ng Press Corps na sina ANNE SEVILLA – TIANGCO; BUDDY DELA CRUZ; GUS ABELGAS; JO LISING – ABELGAS; EL MACASPAC; GENE DE GUZMAN; JUN BALU-YOT; AT ED BARTILAD.

Kung hindi po sa kanila ay wala ang QCPD Press Corps (dating Central Police District Press Corps) na matatagpuan sa Quezon City Police District Police Kamuning Police Station 10 Compound, EDSA near corner Kamuning Road, Di-liman, Quezon City. Si Sevilla ang aming founding president.

Nais ko rin pasalamatan ang mga naging pangulo ng Press Corps na malaki rin ang nai-ambag sa asosasyon. Ito ay sina Gus Abelgas; El Macaspac; Cris Daluz; Nelson Badilla; Arkhon Antolin; Armida Dantes; Doland Castro; Dolly Cabreza; Danny Santos.

Ang inyong lingkod naman ang kasaluku-yang nakaupo. Naging pangulo tayo sa Press Corps noong taon 2000 hanggang 2003 at mu-ling naihalal nang tayo’y bumalik dito noong 2008 magpahanggang ngayon.

Siyempre, hindi naman tayo basta-basta na lamang nanalo bilang pangulo dito sa tuwing halalan kung hindi tayo ibinoto ng mga miyembrong nagtitiwala. Maraming salamat po sa inyong lahat. Ang inyong taunang pagpapaupo sa inyong lingkod ay isang hindi makalilimutang bahagi ng buhay ko. Salamat sa PAGTITIWALA. Ako po ay nagsusulat ngayon sa pahayagang HATAW na pinatatakbo naman ng aking Bossing na si JERRY YAP na siya ring pabliser, sa tulong naman ng aking mabait at masipag na managing editor na si GLORIA GALUNO.

Sir at Madame, maraming salamat sa pagtitiwala.

LORD JESUS, salamat po sa inyo. Kayo po ang naging gabay ko sa pagpapatakbo ng aso-sasyon sa tulong ng mga opisyal at higit sa lahat ng mga miyembro.

Narito naman ang mga SILVER OFFICERS ng Press Corps: ERIC DASTAD, Vice President; LILY REYES, Secretary; RICKY TULIPAT, Treasurer; BOY SANTOS, Auditor; ERNIE DELA CRUZ, PRO; VAL LEONARDO, Chairman of the Board habang ang kanyang mga miyembro sa Board (Directors) ay sina RYAN ANG; BENJIE DURANGO; JEFF CAPARAS; JOEL GO-ROSPE; JUN MESTICA; DANNY QUERUBIN; JIMMY MENDOZA at JAN SINOCRUZ.

Siyempre, nais ko rin pasalamatan ang QCPD command sa suporta nila sa press corps simula kay Gen. Roldolfo “Lakay” Garcia hanggang sa nakaupong District Director ngayon na si CHIEF SUPT. RICHARD A. ALBANO. Siyempre, maging sa lahat ng bumubuo ng QCPD. Salamat nang marami. Salamat Supt. Arnel H. Olivares at C/Insp. Honor Tyapon (retired).

Ops, naturalmente, salamat sa NATIONAL PRESS CLUB sa mga naging pangulo nito lalo na sina Boss Jerry; at BENNY ANTIPORDA.

Napakaraming maliliit na mamamahayag ang natulungan ng NPC. Maraming salamat sa Diyos.

Siyempre, salamat din sa kaibigan kong si Mayor Bistek Bautista. Mga nakaupong station commander ng QCPD ngayon at divisions/units chief at mga pulis PO1 hanggang pinakamataas na ranggo.

Sa mga nakalimutan kong banggitin, maraming salamat sa inyong lahat.

O paano, bukas na ang okasyon, kita-kits sa simpleng selebrasyon namin … doon lang po tayo sa maliit na opisina namin.

ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *