Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, hindi billing conscious

00 SHOWBIZ ms mKAHANGA-HANGA ang ugali ni Iza Calzado. Sa estado niya ngayon, na buhos ang biyaya at mabentang-mabenta, at magaling na aktres, hindi pala siya iyong artistang billing conscious.

Napatunayan na ito noon sa Starting Over Again ng Star Cinema na wala raw ang pangalan ni Iza sa original poster at sa theater lay out lang nakabalanda ang name niya. Pero okey lang kay Iza dahil ang mahalaga sa kanya ay maging markado ang acting na ginagawa niya. Na siya namang napatunayan niya.

Naulit ito sa bagong pelikula ni Iza sa Regal Entertainment, ang Somebody To Love ni Direk Joey Reyes, na wala rin ang pangalan ni Iza sa billing. “In the end, it is your performance that will prove your worth,” giit ni Iza nang makausap namin ito sa pa-presscon cum birthday party sa kanya ni Mother Lily Monteverde.

081214 Iza Calzado

Sa movie na ito, tiyak na marami ang maninibago kay Iza dahil malutong na malutong siyang magmura at magtaray dito. “’Yan ang tatak ng isang mahusay na aktres. Nagagawa niyang isabuhay sa screen ang isang role na kontrang-kontra sa pagkatayo niya. Naku, reveleation si Iza sa role niya sa movie,” sambit ni Direk Joey na siyang nagbigay ng best actress award kay Iza sa isang Cinemalaya movie.

Bukod sa STL, namamayani rin si Iza sa Kapamilya teleserye na Hawak Kamay, at mayroon pang isang movie mula sa Star Cinema, ang Maria Leonora Teresa. Bukod dito, mayroon pang isang pelikulang gagawin ang aktres sa Regal. “I love Iza very much. She’s really good. Maganda na magaling pa at walang sakit ng ulo na ibinibigay sa set,” pahayag naman ni Mother Lily.

Sa August 20 na mapapanood ang Somebody To Love na birthday presentation ni Mother Lily.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …