Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, ‘di bagay mag-host ng beauty pageant

00 SHOWBIZ ms mNAIMBITAHAN kami para saksihan ang coronation night ng Mutya ng Pilipinas 2014 sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino noong Biyernes. Nakatutuwa namang marami ang sumaksi para matunghayan kung sino-sino ang mga bagong kokoronahan sa timpalak pagandahang ito.

Late na kami nakarating sa venue at ang long gown competition ang aming nasaksihan. Kumakanta noon si Christian Bautista habang rumarampa ang may 30 contestant ng Mutya ng Pilipinas suot ang kani-kanilang naggagandahang gown.

Okey naman ang long gown competition maliban lamang sa medyo na-bothered kami sa boses ni Christian. Tila kulang sa power ang ginawa niyang pagkanta. Siguro’y dahil pagod na rin siya sa kadadaldal that night dahil siya rin pala ang isa sa host kasama si Bela Padilla. Okey naman ang hosting job ni Christian maliban kay Bela. Parang host ng isang Binggo game si Bela walang ka-class-class ang dating. Pwede lang siyang host sa mga game show.

081214 Bela Padilla
Komento tuloy ng ibang kapatid sa panulat, “wala na bang ibang makuhang host ang GMA at si Bela ang pinag-host nila?”

Well, siguro kailangan pang mag-aral mabuti ni Bela kung pagho-host ang pag-uusapan.

Sa kabilang banda, binabati naman namin ang magandang presentasyon ng Mutya ng Pilipinas 2014. Mula sa opening number hanggang sa matapos, maliban lamang sa nang ina-announce na ang Top 10 na animo’y may kung anong laban ang ginagawa o ‘yung tinatawag ang mga numerong mananalo sa Binggo.

Binabati namin ang nagwagi bilang Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific International 2014 na si Eva Psychee Patalinjug ng Cebu City, na talaga namang bukod sa crowd favorite. Si Glennifer Perido ng Cordillera naman ang itinanghal na Mutya ng Pilipinas Touirism International 2014, 3rd titleholder si Patrizia Bosco ng Milan, 1st Runner-up naman si Cristine Racel ng Olongapo, at si Kim Fyfe ng Australia ang 2nd Runner-up.

Congratulations sa mga nagsipagwagi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …