Saturday , December 14 2024

Pinakamataas na water slide sa mundo

081114 tallest water slide

NOONG walang nakaiisip magtayo ng pinakamataas na water slide sa mundo, si Jeff Henry ang kumilos para magawa ito.

Kaya nang makompleto ang Verrückt, at panahon na para subukan ang 168-talampakang coaster sa Kansas Water Park sa Kansas City, naging madali ang pagpili sa magiging test rider nito.

“Nakakikilabot,” pahayag ng assistant at head designer ni Henry na si John Schooley. “Pero masaya rin, pero talagang nakatatakot.””

Kamakailan ay nagbukas sa publiko ang water slide sa kabila ng technical glitch sa unang pagsubok nito.

Opisyal na sinertipikahan ng Guinness World Records noong Mayo na ito ang pinakamataas sa mundo, Ang Verrückt—na sa wikang Aleman ay ‘insane’ o ‘wala sa katinuan’ ang kahulugan— ay mas mataas ng limang talampakan kaysa dating record holder, ang water slide sa Rio de Janeiro Country Club.

Sa tunay na sukat, ito’y may taas na 168 talampakan at 7 pulgada at para sa malinaw na perspektibo ng free fall nito, mas mahaba ang plunge kaysa Niagara Falls.

“May tatlo o apat na karanasan sa pagsakay ng Verrückt,” ani Schooley. “May isang 3-segundong free fall bago ka ilunsad sa isang ‘weightless situation’ng ilang segundo at saka magpapatihulog sa roller coaster ride sa mahabang splash down pababa.”

Ang pinagmulan ng Verrückt ay kasing extreme ng mismong water slide.

Ayon kay Schooley, nasa isang trade show ang may-aring si Henry at doon siya nagdesisyon na gusto niyang magtayo ng pinakamataas at pinakamabilis na water slide sa isa sa kanyang limang Schlitterbahn water park. Agad niyang ibinenta ang kanyang ideya sa mga vendor, na tumanggi rito, pero tumanggi rin siyang hindi matuloy ang proyekto.

“Nagdesisyon siya na siya na lang mismo ang magtatayo nito,” dagdag ni Schooley.

“May malawak kaming karanasan sa pagtatayo ng mga water park ride at pag-develop din ng bagong teknolohiya. Ang aming park sa Kansas City ay walang height restriction kaya nag-decide kami na dito ito itayo.”

Ayon sa mga park officials, aabot ang top speed ng Verrückt sa 40 hanggang 50 milya kada oras.

Ang Schiltterbahn, na kinaatatayuan ng Verrückt ay tahanan din ng Master Blaster, ang popular na uphill water coaster na mahigit 1,000 talampakan ang haba.

Bukod sa nakakikilabot na free fall ng water slide, mayroon pa rin itong kakaibang feature: ang hagdan.

“Challenging din ang pag-akyat dito,” ani Schooley.

“Sa tingin ko, umaabot ito ng 260 baytang para makarating sa itaas.”

Mahigit sa 17 palapag ito.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

QC Wellness Center opened to support educators well-being

QC Wellness Center opened to support educators’ well-being

The SM Foundation, in partnership with the Quezon City Schools Division Office, inaugurated the Schools …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *