Tuesday , December 10 2024

OWWA admin Becca Calzado na wow mali nang sumalubong sa displaced OFWs sa airport!

00 Bulabugin
NITONG nakaraang Biyernes, lumabas pala ng kanyang opisina si Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) administrator Becca Calzado para salubungin ang ipina-press release at sinabing 100 overseas Filipino workers (OFWs) mula Libya via Qatar Airways QR 926.

Ang siste, hindi maagang naimpormahan si Madam Calzado na nagkaroon pala ng konting problema ‘yung Qatar Airways QR 926 kaya hindi dumating ‘yung 100 OFWs.

In short, wala pala siyang sasalubungin sa airport!

Hik hik hik …

‘E kaya lang, medyo uminit yata ang ulo ni Madam … kaya biglang bumawi sa media. Hinanap daw po ang inyong lingkod … at gusto yata tayong i-interrogate sa naisulat natin na hindi niya sinasalubong at cannot be located siya para bigyan ng konsolasyon ang mga OFW na masasama ang loob dahil bigla silang nawalan ng trabaho.

Tingin kasi natin e dapat niyang salubungin ang mga OFW para patanawin naman ng pag-asa na mayroong maitutulong ang OWWA hangga’t wala silang malilipatang bansa na pwede silang makapag-empleyo.

Alalahanin ninyo ang dollar remittances ng mga OFW Madam. Ang sa kanila naman ay konting ‘tapik lang sa balikat’ mula sa pamahalaan para naman tumaas nang kahit konti ang morale nila.

Baliktarin kaya natin ang sitwasyon Madam Calzado … ikaw ang nalulungkot na OFW na umuwi ng bansa, mababang-mababa ang morale pero wala man lang taga-gobyerno na sumalubong sa inyo sa Airport, ano kaya ang mararamdaman ninyo?!

Hindi ba’t malalaglag din ang balikat ninyo?

Huwag po ninyo akong hanapin. Kung gusto n’yo talaga akong makausap mayroon pong telepono ang aming opisina at ang kolum na ito, maaari po ninyo akong tawagan.

Anyway, nagpapasalamat po tayo na kayo’y lumabas na ng inyong opisina para salubungin ang OFWs from Libya… ‘yun nga lang na-wow mali kayo …

Next time Madam, ipasigurado po ninyo sa PIO o sa secretary ninyo, para naman hindi kayo nawa-WOW MALI.

‘Yun lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *