Saturday , November 2 2024

Isang Pagpupugay sa NDCP

00 PALABAN gerry

ISA sa mga dahilan kung bakit meron tradition of celebration and remembrance ay ‘di lang para gunitain ang mga magagandang nakaraan kundi para ipaalala muli ang kahalagahan ng ginugunitang kaarawan.

Sa mga mambabasa ng pahayagan na ito, samahan po ninyo ako sa pagbibigay-puri at panalangin na sana patuloy na bigyan ng halaga ang papel na ginagampanan ng National Defense College of the Philippines sa araw-araw na buhay natin bilang isang bansa. Nagdiriwang ang NDCP ng ika-51 Foundation Day simula pa noong Biyernes.

Isang linggo na paggugunita at muling pagpapaalala sa ating lahat kung gaano kahalaga sa ating buhay ang national defense and security. Kaya nga itinatag ang institusyong ito dahil sa ganitong dahilan.

Ang NDCP ang educational, training at research agency ng ating gobyerno na ang papel sa buhay natin bilang isang bansa ay patuloy na pagbibigay ng intensive na mga pag aaral sa mga masalimuot na problemang may kinalaman sa national defense and security.

Sa totoo lang, ito ay kakaibang paaralan. Ang NDCP ay isang Graduate School na ang kaisa-isahang course program ay Master in National Security Administration. Sampu lang ang academic staff nito at kulang pa sa 50 ang bilang ng mga estudyante bawat taon!

***

Mga top experts mula sa hanay ng academe at senior military officers na may command and staff experience ang mga pangunahing guro sa NDCP. Ang mga regular lecturers na kinabibilangan ng foreign diplomats, technical experts at defense leaders ang mga katuwang sa paghubog at pagsasanay ng military officers, private sector leaders at mga estudyanteng galing sa civilian government agencies sa larangan ng national security. Bago makuha ng mga estudyante ang titulong MNSA ay daraan muna sila sa isang ‘madugong’ proseso ng paggawa ng thesis na nauukol sa national security.

Kasama sa isang taong full-time master’s degree course nitong MNSA ang iba’t ibang uri ng classroom work, case studies, regional security and development studies at mga academic enhancement travels. Ang curriculum ay naka-focus sa iba’t ibang dimension ng national security management katulad ng socio-cultural, political-legal, economic, techno-scientific, environmental at military dimensions.

Madugo man daw ang labanan pero mas nakagagana sa kalaunan. Sino ba naman ang ‘di gaganahan sa mga topics na dini-discuss nito?

***

Sa ilalim ng pamamahala ng Strategic Research and Special Studies ay tatlong specialized learning centers – ang Institute for National Security Studies (INSS), ang Crisis Management Institute (CMI), at Defense Management Institute – na may kanya-kanyang papel sa paghubog ng kaalaman at kasanayan ng mga kasalukuyan at mga naging estudyante nito katulad nina President Fidel Ramos, Vice President Jojo Binay, Senators Loren Legarda at Teresa Aquino-Oreta, QC Mayor, Supreme Court Associate Justice Ma. Alicia Austria-Martinez, Major General Natalio C. Ecarma III na naging Head of Mission at Force Commander ng United Nations Disengagement Observer Force, Philippine Stock Exchange Chair at dating Supreme Court Associate Justice Jose C. Vitug, Deans Gloria J. Mercado ng Development Academy of the Philippines at Hilario S. Caraan ng De La Salle University, MMDA Chairman Francis Tolentino, former Tarlac Governor Tingting Cojuangco, at marami pang iba nating mga pinunong bayan at maging mga civilian leaders na nagiging ehemplo kung paano bigyan halaga ng national security sa kani-kanilang kalakaran sa buhay.

***

Marami pang uusbong na mga magagaling na anak ng lahing Pilipino. Aking panalangin na sa kanilang pagsilbi sa lipunan ay bigyan nila ng halaga ang iba’t ibang dimensions ng national security. Maging dalubhasa lamang sila sa larangang ito kung aambisyonin nilang mapahilera sa piling-piling mga nagsitapos sa NDCP.

Happy 51st Anniversary and congratulations sa lahat ng kawani ng NDCP sa pamumuno ni Dr. and Gen. Fermin De Leon at sa lahat ng mga naging estudyante nito kasama na ang MNSA Class 49 na pinamumunuan naman ni Col. Ferdinand Fraginal.

ni Gerry Zamudio

About Gerry Zamudio

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *