Sunday , December 22 2024

Good speech delivery!

AYOS! Masasabing maganda ang talumpati ni Pangulong Aquino nitong nagdaang State Of the Nation Address (SONA). Maganda ang pagkakabasa at pagkakadeliber ng pangulo na tila mula sa kanyang puso (daw).

Well practice ang ating Pangulo sa pagdeliber. Naalala ko tuloy noong estudyante ako. Obligado kaming isaulo ang isang talumpati o tula bilang takdang aralin kundi, bagsak ka sa eksamin.

Ganoon din ang nakita kong ginawa ni PNoy. Kinabisado niya ang kanyang talumpati na (posibleng hindi siya ang gumawa pero nagbigay naman siguro siya ng ideya) upang pumasa sa madla.

Pumasa naman ang mama – sa ilan lalo na sa mga nakapikit niyang kaalyado, pero sa iba ay hindi lalo sa mahihirap pa rin sa kabila ng ipinangalalandakan ni PNoy na maayos na ang ekonomiya ng bansa at marami nang natulungang mahihirap ang kanyang gobyerno.

Balik tayo sa talumpati ng Pangulo. Hindi po tayo humanga sa nagbasa ng talumpati – sino ang nagbasa? E di si PNoy. Kundi saludo tayo sa naghanda ng talumpati. Infairness magaling ang sumulat ng script na ito. Galing mo bok!

Saan tayo humanga sa binasa ng Pangulo? Hindi po sa sinasabing accomplishment na mula daw sa DAP na pilit pinalalabas na “legal” ang paggamit nito kundi sa paggamit uli sa mga namatay na mahal sa buhay ng pangulo na totoong mga kagalang-galang na sina dating Senator Benigno Aquino at dating Pangulong Cory Aquino.

Batid ng script este, speech writer na bagsak ang rating ni PNoy kaya, para makuha uli ni PNoy ang simpatya ng madla. Binuhay sa talumpati ang dalawang patay nang karespe-respetong mga magulang ng Pangulo.

Pinaalala uli sa talumpati kung sino ang ama ng Pangulo – kung ano ang naitulong sa bansa na dahilan para bumagsak ang rehimeng Marcos. Ginawa ito para maalala ng mga tao at muling magtiwala sa Pangulo.

Hayun, medyo nakuha naman ni PNoy ang atensyon ng masa pero hindi lahat dahil marami rin daw masasabing kasinungalingan sa pinagngangawa ng pangulo sa Kongreso.

Hindi lang ito, ginamit din sa talumpati ang popular na salita ni dating Senador Aquino … “The Filipino is worth dying for, the Filipino is worth living for …”

Habang ito naman ang idinagdag sa talumpati ay… “Idadagdag ko naman po, the Filipino is definitely worth fighting for …”

Nagpalakpakan naman ang mga unggoy nang gamitin at bigkasin ito sa talumpati.

Uli, ginamit ito upang ipaalala sa Filipino ang dating Senador na masasabing dahilan din para iboto noong nakaraang halalan ang kasalukuyang pinuno ng bansa.

Kaya hayun nga medyo nakuha ng Pangulo ang simpatya ng ilang Filipino. Naalala kasi nila ang nagawa ni Ninoy. Lalo pa nang nag-drama epek ang pangulo sa harap ng kamera. Cut! Good tape!

Sino naman kaya ang direktor sa shooting ng pelikulang “Buhayin Ang Mga Alaala Ng Patay.” Pero ako saludo ako kay Kagalang-galang na Ninoy Aquino. Hindi naman siguro drama iyon ginawa ni PNoy.

Infairness sa Pangulo, mula naman iyon sa kanyang puso. Napaiyak talaga siya. Kita n’yo si Kris Aquino, napaiyak din. Alam niya kasi may kamera. He he he … hindi naman kundi, ramdam niya ang hirap ng kanyang kuya. Sa totoo lang, napakahirap kayang maging isang Pangulo. Lahat ng mata ay nakatingin sa iyo. Lahat ay umaasa sa ‘yo. Lahat ang gusto ay kaginhawaan na kapag hindi naibigay, ang Pangulo ang sisisihin. Sa isang ordinaryong organisasyon na lamang, ang daming miyembro ang gusto’y buhayin sila ng kanilang pangulo. Iniaasa ang lahat. Lahat kasi ay iniaasa sa pangulo kahit pambili ng isang pirasong kendi. Anyway, ano sa tingin n’yo? Scripted ba ang lahat ng talumpati ni PNoy? Basta ang masasabi ko, hanga ako sa speech writer maging sa pagdeliber ni Pnoy sa talumpati.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *