Sunday , November 3 2024

LOKAL na pamahalaan pa rin ang susi sa kaunlaran ng ating bayan

Nitong nakaraang Biyernes, ako ay nasa Marikina City para magsagawa ng research. Ang Siyudad na ito ay mas kilala as the shoe capital ng Pilipinas. Aware na rin ako sa reputasyong nakamit nito bilang isang bayan na inilagay sa tama ang mga kalakarang panlipunan upang sa ganoon ay magkaroon sila ng mas magandang pamumuhay.

Muli kong nasaksihan ang kaayusan ng siyudad. Isang siyudad sa loob ng Metro Manila na may kaayusan, walang nagtitinda sa banketa kaya malinis tingnan. Ang mga tao ay makikita mong sumusunod sa batas mula sa sa pagtawid ng kalsada , pagpila at pagtapon ng basura. Sa paligid walang nakakalat na mga basura. Ang tabi ng kanilang ilog ay maayos at may mga halaman pa. May mga pulis at mga volunteer na tumutulong sa pagpapatupad ng kaayusan kaya ang mga tao ay sumusunod dahil ramdam nila na may gobyernong namumuno sa kanila. Ang balita ko ay mababa rin ang insidente ng krimen sa Marikina.

Datapwat mayroon namang mga siyudad at bayan sa Metro Manila na maayos, karamihan pa rin ay kulang sa pagpapatupad ng batas kaya ang mga tao ay nagkakanya-kanya para sa kanilang pansariling kapakanan, nawawala sa konsiderasyon nila ang kapakanan ng karamihan, ng komunidad, at mas lalo na siguro, ng bansa natin. Ang resulta tuloy, ang bangketa ay siksikan, ang mga pedicab at tricycle ay sumasalubong sa daloy ng trapiko, maraming umiihi sa tabi-tabi, kaya tuloy ang panghi ng lugar. Ang nakadedesmaya rito, ang mga lugar ay nasa paligid ng mga unibersidad na maraming mga estudyante galing sa ibang bansa. Isipin n’yo na lamang kung anong mukha ng Pilipinas ang dadalhin nila pagbalik nila sa kani-kanilang bansa. Sa tingin po ba ninyo ay makatutulong sa pagpapaunlad ng turismo natin?

Sa aking paniniwala, ang taumbayan ay naghihintay lamang ng lider na magsulong ng mabuting gawain at silang lahat ay susunod sa mga gawain at proyektong ito. Bakit? Kasi naniniwala ako sa kaibuturan ng puso’t isipan nino man ay naghahari pa rin ang adhikain para magkaroon ng kaayusan, progreso sa pamumuhay at paggawa ng kung ano ang tama. Ang mamamayan ay handang sumunod sa batas at buhayin sa puso at isipan niya ang pagmamahal sa kapwa, sa komunidad at maging sa interes ng bansang kanyang kinabibilangan kapag alam niyang may lokal na gobyernong namumuno sa kanila. Kaya siguro sa mga namumuno sa ating mga bayan at siyudad, baka pwede pong gawin natin benchmark ang Marikina o kaya ang ibang lugar sa Pilipinas kagaya ng Makati, Davao, Puerto Princesa, Cagayan De Oro, Bohol, Pagadian, Batangas, Laoag o kaya iba pang mga lugar na sa tingin ninyo ay maayos, para maiangat naman natin ang mukha ng bansa natin sa paningin ng mga turista galing sa ibang bansa. Kapag ito ay nagawa natin, baka pagdating ng panahon, tayo naman ang pinupuntahan ng mga lokal na pinuno ng ibang bansa para pag-aralan ang ating sistema ng lokal na pamahalaan natin. Sabi nga sa nabasa kong nakasulat sa pader ng Marikina City Hall, “Let us think big, think positive, and think progress.” Ito ang mga ideya na dapat natin ikalat at itatak sa isipan at damdamin ng ating mga kababayan para maging tunay na Perlas ng Silanganan ang ating bansa, at ito ay matatamo natin kung may mga lokal na pinuno tayo na hindi makitid ang kaalaman sa lokal na pamamahala ng kanyang nasasakupan. Ito rin ang klaseng sistema ng suporta na kinakailangan ng national government para makamit ang pambansang layunin. Kapag ito ay nagawa natin sa ibaba, hindi na po mahihirapan ang sinoman na magiging pinuno ng bansa natin pagdating ng pahanon.

Gusto ko nga palang batiin ang St. Ignatius School para sa kanilang 50th Foundation Day sa ika-30 ng Hulyo. Sa mga graduates ng taon 1964 hanggang 2014, maaari po kayong tumawag sa aking ka-brod sa APO na si Mr. James Reburiano, o kaya sa kanyang anak na si Jeje Celedonio sa Tel number: 9116001.

Gerry Zamudio

About Gerry Zamudio

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *