Sunday , December 22 2024

‘Di dapat inambunan ng DAP ang PNP… may Jueteng naman e!

PATI pala ang Philippine National Police (PNP) ay naambunan sa ilegal DAP ni Pangulong Noynoy Aquino.

Inambunan si PNP Chief, Gen. Alan LM Purisima este, ang PNP pala para daw maging maayos ang lahat ng serbisyo ng pambansang pulisya sa buong bansa. Ang PNP-DAP ay hindi lamang para sa armas kundi para na rin sa pasilidad ng mga presinto sa bawat sulok ng bansa.

Ayos ha, may nabago ba sa serbisyo ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Purisima? Wala tayo pong nakikita, at sa halip ay ganoon pa rin ang hitsura ng mga istraktura ng lahat ng tanggapan ng PNP.

Poor na poor pa rin ang hitsura ng mga tanggapan ng pulisya lalo na ang mga nasa liblib na lugar. Huwag na tayong lumayo. Dito na lang sa Metro Manila, ang daming presinto na parang napabayaang public toilet ang hitsura. Mayroon pa ngang container van na ginawang presinto.

Mayroon naman tayong mga nakikitang magagandang presinto pero iyan ay dahil sa lokal na pamahalaan at hindi mula sa DAP. Bukod dito, maraming masasabing magandang presinto dahil sa “PR” ng mga nakaupong opisyal.

PR? Oo, dalawa ang klase ng PR. PR na may kasamang pagbabantan at PR na mulang kaibigan ng opisyal.

Isang opisyal nga ng QCPD ang nakausap ko. Aniya, hindi daw mulang DAP ang ginamit niya sa pagsasaayos sa presinto niya kundi mula sa kanyang mga kaibigan o PR daw.

So, akala ko ba’y naabunan ng DAP ang PNP? Naku dapat siguro na imbestigahan ang opisyal ng PNP na humawak sa DAP para malaman kung saan nila dinala ang P4 bilyon DAP.

Tsk…tsk…tsk….nasaan na nga ba ang DAP na para sa PNP? P4 bilyon yata o P3 bilyon iyong inilaan para dito. Bagamat sa ulit ulat, inamin nga ng PNP na nabahagian daw sila ng pondo pero lingid daw sa kanilang kaalaman na mulang DAP ang pondo.

Sa ngayon, anang PNP ay pinatigil na nila ang lahat ng proyekto na mula sa pondo ng DAP dahil nga sa sinabi ng Korte Suprema na ilegal ang DAP.

Teka, totoo nga bang naambunan ng DAP ang PNP o ginamit lang ang PNP para masabing nagamit sa tama ang DAP?

At saka, ang PNP ay hindi na dapat ambunan ng DAP. Bakit?

Aba’y dami kaya ng pagkukuhanan nila ng DAP. Mga jueteng lord at mga nagpapalaro pa ng iba’t ibang klaseng sugal.

Kamakailan, sabi ni SILG Mar Roxas na maging ang mga iskuwater na nakinabang sa DAP. Ha! E ba’t nandiyan pa sila? Dami pa ring informal settlers.

Ngayon, PNP naman ang isa sa nakinabang? Aba sino pa kaya gagamitin ng gobyerno sa pagpapalusot este, pagpapatunay na nagamit ng tama ang DAP?

Bukas, magugulat na lang tayo na maging ang kung ano-anong ay tanggapan ay naambunan ng DAP ay magugulat na lamang ang ahensya idadamay.

Sige, hanap pa ng ahensyang hindi makareklamo dahil sa hawak niyo naman ang bossing ng ahensya.

DAP nga naman o.

E kung aktuwal na lamang sana nilang ibinahabi ito ng bawal pamilyang Filipino e ‘di lahay siguro ngayon ay happy. Lahat ay mayroon pang-umpisa ng munting negosyo.

Uli, ang PNP ay hindi na nangangailangan ng DAP dahil noon pa man ay may “DAP” na ito sa mga ilegalista sa bawat sulok ng bansa.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *