Friday , December 27 2024

Kahit anino ni P-Noy wala sa kasagsagan ni ‘Glenda’

MARAMI ang nakapuna na kahit anino man lang ni Pres. Noynoy Aquino ay hindi raw nakita sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Glenda sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Sa paliwanag ni Communications Sec. Sonny Coloma, si P-Noy ay nasa tahanan niya na binansagang Bahay Pangarap nang mga sandaling iyon para i-monitor ang sitwasyon.

Ang tahanan daw ng Pangulo ay extension ng kanyang tanggapan.

Nasiyahan naman daw ang Pangulo sa mga ulat kaya sa palagay niya ay hindi na kailangan ang mismong physical appearance niya sa mga lugar.

Umaayon tayo na hindi naman kailangan talaga ang presensya ng Pangulo dahil ang dapat nakatutok agad sa mga sitwasyon ng pananalasa ng bagyo ay local officials.

Pero sana naman, kahit sa isang minutong taped video message ay nagsalita ang Pangulo para ipakita ang kanyang pag-aalala at ipaliwanag ang aksyon na ginagawa ng kanyang mga opisyal, upang kalamayin ang kalooban ng mga kawawang biktima ng damuhong bagyo.

Masyado ba siyang abala sa kanyang tahanan, mga mare at pare ko, kaya hindi man niya naalalang paalalahanan ang mga “boss” niya na binagyo sa panahon ng kanilang kagipitan?

Sagutin!

***

NOONG Huwebes ay naiulat na umabot na sa 40 ang bilang ng mga namatay dahil walang awang paghagupit ng bagyong Glenda, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Apat katao pa raw ang nawawala at 17 naman ang sugatan nang lisanin ni Glenda ang bansa noong Huwebes nang umaga.

Lumagpas din sa isang bilyong piso ang halaga ng nasira sa agrikultura kabilang na ang bigas, mais at ibang mga pananim at pati na livestock sa Central Luzon, Bicol at Mimaropa.

Naapektohan ng bagyo ang 882,326 katao na ang 525,791 ay pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers. Hindi bababa sa 7,002 ang bilang ng nawasak na kabahayan.

Sarado ang 23 daanan at dalawang tulay sa Central at Southern Luzon, Bicol at Cordillera bunga ng pagkawasak at baha. Ang halaga ng impraestruktura na nasira sa Bataan at Nueva Ecija ay P49,186,600.

Hindi tulad ng bagyong Ondoy noong 2009 at hagabat noong 2012 na nagpalubog sa Metro Manila, hindi gaanong nagbaha ang kapaligiran kay Glenda dahil hindi siya nagbagsak ng sandamakmak na tubig-ulan. Pero saksakan ng lakas ang bugso ng hangin na ipinalasap at nagpalipad sa mga bubungang yero, nagpataob sa mga sasakyan at halos tangayin ang mga tao.

Wala tayong paraan para pahinain ang naglalakasang mga bagyo na pumapasok sa bansa.

Ganu’n pa man, mga mare at pare ko, sa karanasan natin kay Glenda ay nakitang ang maagap na paghahanda at pag-aksyon ay malaki ang nagagawa para maiwasan ang malaking bilang ng nasasawi sa pananalanta ng bagyo.

Tandaan!

Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *