Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, ikinokompara kina Kathryn, Julia, at Liza

071414 kath Janella liza julia
ni Rommel Placente

IKINOKOMPARA si Janella Salvador sa mga kasamahan niya sa ASAP It Girls na sina Kathryn Bernardo, Julia Barretto, at Liza Soberano sa social media. Ayon kay Janella, hindi niya na lang pinapansin ang comment ng mga basher sa kanya. Ang iniiisip na lang niya ay ang ibigay ang the best niya sa bawat performance ng kanilang grupo.

“Ikino-compare nga kami sa mga social networking sites. Sa akin naman I’m just doing my best. Sinu-support naman ako ng fans ko, so okay na ako roon kahit may mga basher. Hindi naman siguro maiiwasan ‘yun,” sabi ni Janella nang makausap siyasa presscon ng Be Careful        With My Heart 2nd anniversary concert na gaganapin sa July 25 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa tanong kung ano sa tingin niya ang stand out siya sa mga kasamahan niya sa ASAP It Girl, ang sagot ni Janella ay, “I myself siguro I can’t tell. Pero ang alam ko naman siguro I can sing, ‘yun.”

Bukod sa BCWMH, magiging busy na rin si Janella sa paggawa ng pelikula. Katatapos niya lang kasing pumirma ng multi-picture contract sa Star Cinema. Kaya asahan na ang mga pelikulang gagawin niya mula rito.

“Well sa Star Cinema sabi po nila na I’m doing one of the acquired books nila,” kuwento niya.

Wala pang sinasabi kay Janella kung sino ang magiging leading man niya sa unang pelikulang gagawin sa Star Cinema. Pero okey lang naman sa kanya kahit sino ang ipareha sa kanya.

Si Marlo Mortel ang ka-loveteam ni  Janella sa BCWMH.  Kamusta na sila ni Marlo?

“Okay naman at kung paano kami sa camera, in person ganon din kami,” sagot niya.

Sa balitang may cancer ang mommy ni Marlo, siniusuportahan naman ni Janella si Marlo sa paraan na alam niya na makatutulong dito.

“Actually I knew that medyo matagal na, sinabi niya sa amin. Ako na-sad ako.

“Binigyan namin siya ng book na Diet Cure for his mom. Talagang we’re helping him and his mom, kino-comfort namin siya always.”

Hindi masabi ni Janella kung may chance ang love-team nila ni Marlo na mauwi rin sa isang relasyon sa totoong buhay.

“Basta sa ngayon we’re good friends,” pakli niya.

Inamin ni Janella na hindi pa siya pinapayagan ng kanyang mommy, ang dating singer na si Janine Desiderio na tumanggap ng suitors o pumasok sa isang relasyon dahil bata pa raw siya.

“Pero pwede naman akong makipag-friends sa boys siguro as a mom lang she’s just protecting me na kung anong puwedeng mangyari.

“Gina-guide niya ako because she’s been there, nag-showbiz din siya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …