Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexy image ni Roxanne Barcelo, ibinubuyangyang na

071114 roxane barcelo

ni James Ty III

HINDI na mapipigil ang pagbabago ng imahe ng  dating teen star na si Roxanne Barcelo.

Noong Linggo ay nakita namin si Roxanne na seksi ang suot na damit habang kasama niya ang boyfriend na si Will DeVaughn sa SM Mall of Asia Music Hall habang kasali si Will sa NBA 3x Celebrity Event.

Dating kilala si Roxanne sa kanyang sweet image nang siya’y naging mainstay ng ilang mga teen show ng GMA bago siya sumali sa ilang mga reality shows tulad ng Pinoy Big Brother at Amazing Race.

Sa aming pakikipag-uusap kay Roxanne, sinabi niyang suportado ni Will ang pagbabagong-imahe niya dahil dating naging sexy model si Will bago siya sumali sa PBB na naging hudyat sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Naging cover girl si Roxanne sa ilang mga magasing panlalaki tulad ng FHM at kumanta siya sa victory party ng 100 Sexiest ng FHM.

Bukod sa kanyang seksing imahe ay nagbago rin ang estilo ng pagkanta ni Roxanne. Ginagamit na niya ngayon ang pangalang Roxee B bilang bagong screen name.

“I’ve written a lot of songs and Jay-R is helping me produce my songs,” say ni Roxanne sa amin. ”I love R&B music and that is my style of performing now.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …