SI Mark Raznelle Diwas Torzar ng Mt. Druitt, New South Wales, Australia ay sikat na sikat ngayon at kinikilala bilang isang batang Pinoy na pinakamahusay na manlalaro ng New South Wales Junior Men’s team sa volleyball. Ang 17 anyos na tubong-Angono, Rizal ay limang taon nang state player at ngayo’y nakikipag-compete sa iba’t ibang states doon.
Nitong nakaraang Linggo, muling hinangaan ng mga manonood si Mark Raznelle sa katatapos na pakikipag-compete sa New Zealand na inuwi ang panalo. Ang batang Pinoy ang tumayong leader at captain ng kanilang school team-Rooty Hill High School kaya sila na-ging state champion.
Sa susunod na Linggo, mu-ling makikipag-compete sina Mark Raznelle sa Canberra kontra sa mga team mula sa iba’t ibang states sa Australia. Ayon na rin mismo sa mga nakasasaksi sa mga laban nila, ibang klaseng manlalaro si Mark Raznelle na mistulang kidlat sa bilis, rubber boy kung lumundag, at may mala-bakal na mga kamay kung pumalo ng bola. Kaya hindi na mabilang ang mga medalya, tropeo at karangalang ipinagkaloob kay Mark Raznelle ng Sydney West Secondary School Sports Association.
Kung sakali, puwedeng mag-showbiz si Mark Raznelle dahil sa taglay niyang charm bilang sports celebrity.