Monday , December 23 2024

Kamandag ni Ong sa SC, grabe pala!

MARAMI ang nanlumo sa pagkadesmaya sa ulat na anim lang sa 12 mahistrado ng Korte Suprema ang pabor na sibakin si Sandiganba-yan Associate Justice Gregory Ong dahil nagpagamit at tumanggap ng milyon-milyong pisong suhol mula kay pork barrel scammer Janet Lim-Napoles.

Si Ong ay pinaim-bestigahan ng Korte Suprema matapos mabulgar ang kanyang koneksyon kay Napoles at sa kuwestiyonableng pag-absuwelto sa negosyante sa maanomalyang pag-supply ng Kevlar Helmets sa Philippine Marines.

“[I]t is respectfully recommended that respondent Justice Gregory S. Ong be found guilty of gross misconduct, dishonesty and impropriety, all in violation of the New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary and meted out the penalty of dismissal from the service with forfeiture of all retirement be-nefits, excluding accrued leave credits, and with prejudice to reemployment in any government office, including government-owned or -controlled corporations,” ayon sa report na isinumite ni retired Supreme Court Associate Justice Angelina Sandoval-Gutierrez , ang inatasan ng SC na pangunahan ang komite na nagsiyasat kay Ong.

Ipinagpaliban ng SC ang paghatol kay Ong sa susunod na buwan dahil ang anim pang mahistrado ay gustong suspendihin lang siya, kaya’t kailangan ng isa pang sesyon para makakuha ng pitong boto para mahatulan ang kontak ni Napoles sa Sandiganbayan.

Ibig bang sabihin, sa tindi ng kamandag ni Ong, maging ang Kataas-taasang Hukuman ay kaya niyang hatiin para paboran ang kanyang kabulastugan?

Hindi naman tayo kasama sa mga nilalang na maigsi ang memorya, at tandang-tanda natin ang isa sa makasaysayang desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si Merlyn Manubag, isang clerk of court sa Municipal Trial Court sa Sibonga, Cebu noong Disyembre 2010.

Hinatulan ng SC na guilty si Manubag sa salang pagpalsipika ng kanyang personal data sheet nang magsumite ng pekeng diploma at transcript of records kaya’t sinibak sa tungkulin at hindi siya pinayagan na makubra ang kanyang retirement benefits.

Paano ngayon makatitiyak ang taong bayan na makakamit ang katarungan laban sa mga nagsabwatan para gahasain ang kaban ng ba-yan kung mismong ang Korte Suprema ay kiniki-lingan ang kabaro nilang kasabwat ng mga mandarambong?

IMPLUWENSIYA NI ONG, ALAS NI ERAP SA SC?

BATAY sa testimonya ng whistleblower na si Benhur Luy sa komite ni Gutierrez, matapos iabsuwelto ni Ong si Napoles sa Kevlar helmet case, ipinagtapat sa kanya ng pork barrel scam queen na ang Sandiganbayan Associate Justice ay ipinakilala sa kanya ni Sen. Jinggoy Estrada at siyang kontak niya sa Ombudsman at Sandiganbayan

Matatandaan na kumalat ang larawan ni Ong kasama sina Jinggoy, Napoles at iba pa sa isang party ng senador at hindi naman da-pat pang pagdudahan ang ugnayan ng Sandiganbayan associate justice sa pamilya ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada.

Si Ong ay dating RTC judge sa San Juan city na nag-absuwelto kay Jude Estrada sa kasong pambubugbog sa isang lola na may kaugnayan sa droga, habang si Erap ay vice president pa at chairman noon ng PACC.

Malaking eskandalo ito kaya’t napilitan si Jude na magtago sa Amerika at nagbalik na lang sa Pilipinas noong Pangulo na ang kanyang ama. At bilang ‘gantimpala’ kay Ong, itinalaga siya ni Erap sa Sandiganbayan.

Kung protégé ni Erap si Ong na kayang ‘bi-yakin’ ang Korte Suprema, huwag na tayong magtaka kung may kakayahan ang sentensiyadong mandarambong na impluwensiyahan ang desisyon ng Korte Suprema sa kinakaharap ni-yang disqualification.

Kapag ganito ang kalakaran, huwag na rin tayong umasa na may mapaparusahan sa mga kasabwat sa hudikatura ni court fixer at influence peddler Arlene Lerma Angeles o Ma’am Arlene.

Masamang senyales ang pagkiling ng SC kay Ong dahil guguho ang paniniwala ng sambayanang Pilipino sa Korte Suprema bilang hu-ling takbuhan kapag naagrabyado o pinagkaitan ng hustisya.

Ang pagkampi ng Korte Suprema sa tiwa-ling si Ong ay katumbas ng pagpabor ng Kataas-taasang Hukuman na mantsahan ng katiwalian ang hudikatura at hayaan na umiral ang kawalan ng hustisya sa ating bansa.

Bakit nagawa ng Korte Suprema na ideklara ang PDAF ng lehislatura at DAP ng ehe-kutibo bilang unconstitutional o labag sa batas, pero ang katarantaduhan sa kanilang hanay ay kinokonsinti?

Kung walang malasakit ang tatlong sangay ng gobyerno, ang Kongreso, ang Ehekutibo at ang Hudikatura sa kapakanan ng bayan, aba’y maaaring maging daan ito para umentra ang militar at ilagay sa kanilang kontrol ang pamahalaan lalo na’t magiging sunod-sunod ang kilos-protesta sa lansangan laban sa PDAF at DAP.

Ito ba ang gustong mangyari ng SC?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *