ANG best feng shui office ay maaaring matamo sa pamamagitan ng pag-eeksperimento ng bagong opsyon sa inyong opisina at suriin ang resulta nito, lalo na kung ang existing office feng shui na nabubuo ay nagkakaroon ng negatibong epekto sa inyong kalusugan at kagalingan.
Magsimula tayo sa basics ng good feng shui sa alin mang space, ito man ay opisina o tahahan: ang kalidad ng liwanag at hangin. Mayroon ka bang magagawa para mapagbuti ito sa inyong specific office area?
Bawat opisina ay maraming restriksyon, ngunit maaari pa ring may pagkakataon na mapagbuti ang inyong workspace.
Alamin ang iba’t ibang feng shui possibilities at tingnan kung posible itong maipatupad sa inyong office space.
Ang banayad na feng shui suggestion para sa better air quality ay kinabibilangan ng:
*air purifying plants na nagdudulot ng maraming benepisyo kabilang ang malinis na hangin.
*maliit na fountain (kung posible)
*electrical air diffuser
*small air purifier
Ang feng shui suggestions para better quality ay kinabibilangan ng:
*Pagkakaroon nang wastong task lamp
*paglalagay ng bright colors (color is light) sa wastong office décor items, katulad ng larawan, bright colors ng office supplies, etc.
*gumamit ng full-spectrum lamp, kung posible
*I-maximize ang exposure sa natural light
Kapag natugunan na ang must-have basics for good office feng shui, mag-focus na sa pagpapatupad ng inyong makakaya para lalo pang mapagbuti ang kalagayan ng inyong opisina.
Lady Choi