PUNTIRYA ng dalawang engineers na makapagtala ng bagong record sa pamamagitan ng pagbiyahe nang mahigit 100mph para sa world’s fastest hot tub.
Ginawa nina Phillip Weicker at Duncan Forster sa loob ng anim na taon ang pag-transform sa 1969 Cadillac DeVille mula sa pagiging convertible car patungo sa moving Jacuzzi, ayon sa ulat ng Express.
Tinawag bilang ‘Carpool DeVille’, umaasa ang dalawa na makapagtungo sa Bonneville Salt Flats sa Utah sa susunod na buwan na pamoso sa thrill-seekers na nagmamaneho ng jet-powered motors sa bilis na mahigit 600mph.
Ang kanilang kotse ay may 7.7-litre V8 engine na ginagamit para mapaandar ito, at ang init ng hot tub ay tinatayang nasa 100ºF.
Inilunsad ng Canadians ang Kickstarter campaign na nakapag-ipon na nang mahigit $4,000 sa kasalukuyan, para sa kailangan nilang $10,000 bilang kabuuan para transport expenses, towing vehicles, fuel, accommodation, safety gear at race fees para event.
“Nobody’s ever gone 100mph in an open-air self propelled hot tub while sitting neck deep in soothing warm water,” ayon kay Weicker.
“We aim to correct that mistake of history this August.”
(ORANGE QUIRKY NEWS)