Monday , December 23 2024

Mar-Kiko, epal tandem

IMBES matuwa, marami ang naduwal at nabuwisit sa tila despe-radong hakbang ni Interior Secretary Mar Ro-xas na humakot ng publisidad nang magbuhat pa ng sako ng bigas na nakompiska sa pagsalakay ng pulisya sa isang bodega sa Muntinlupa City.

Sa susunod, siguruhin lang ng ‘spin doctors’ ni Kuya Mar na wala siyang luslos para magpasan ng mabigat, he-he-he!

Katuwang ni Roxas sa nakaiiritang publicity stunt si Agri Modernization and Food Security adviser Kiko Pangilinan na nagpulis-pulisan din sa naturang raid.

Ilang bodega rin ang sinalakay ng pulisya na natuklasan na naglalaman ng libo-libong NFA rice na inilipat sa ibang sako para maibenta sa mas mataas na presyo bilang commercial rice.

Talagang nakatatawa sa kanilang gimik, kahit nagkandakuba na si Roxas sa pagkarga ng isang sako ng bigas, wala naman silang nahu-ling may-ari ng bodega na sinalakay nila.

Sa ulat ng CIDG, nakatakas daw ang may-ari ng rice warehouse ng Purefeeds Corporation na si Jomerito “Jojo” Soliman sa Barangay Tikay, Malolos City, Bulacan.

Umaabot sa P16-M halaga ng NFA rice ang natuklasan na nakaimbak sa bodega ni Soliman kahit ang kanyang kompanya ay awtorisado lang magnegosyo ng commercial animal feeds.

JOJO SOLIMAN, AMO NG RICE SMUGGLER NA SI DAVID TAN

KUNG ayon sa CIDG, dapat ay commercial animal feeds lang dapat ang negosyo ng Purefeeds ni Soliman, bakit pinayagan siya ng Bureau of Customs (BOC) noong Oktubre 2012 na sumali bilang bidder nang isubasta ang 42,000 sako ng Indian rice na nakompiska sa Subic?

Si Soliman din na taga-Binondo, ay isa sa tinukoy ni Argee Guevarra bilang isa sa malalaking rice smugglers sa bansa.

Maugong sa Aduana na si Soliman ang amo ng pamosong rice smuggler na si David Tan na matapos ang mala-teleseryeng imbestigasyon ng Senado at NBI at inamin na illegal na nag-aangkat ng bigas, ay kasong perjury lang ang isinampa ng gobyerno, sa halip na smuggling.

Kung magkano, este, ano ang dahilan at tila kinumpasan na orchestra na sabay-sabay na-nahimik ang NBI, Senado, BOC, DA, NFA, at DOJ, tiyak na ito rin ang magiging sanhi sa paghupa ng atensiyon kay Soliman.

RAID IN AID OF ELECTION?

HINDI na kailangan ang sari-saring pakulo ng tambalang Mar-Kiko para masugpo ang rice smuggling at kontrolin ang illegal na paglobo ng presyo ng bigas na tumaas ng P10 kada kilo sa loob ng isang taon.

Dapat unahin ni Kiko ang mismong National Food Authority (NFA) na nasa kanyang bakuran at ipatigil na ang pag-iisyu ng import permit sa farmers cooperative na ginagamit na dummy ng rice smuggler para makapagpuslit ng bigas sa bansa.

Sa tagal na naging senador ng esposo ni Sharon Cuneta at naging Senate Agriculture Committee chairman pa, bakit hindi siya nakagawa ng batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa rice smuggler at price manipulation, kung talagang may malasakit siya sa “food security?”

Sigurado naman na alam ni Kiko na barya lang sa mga mapagsamantalang negosyante cum smugglers ang multang P2 milyon kapag nahuli sila sa paglabag sa batas dahil multi-bil-yon ang kinikita nila taon-taon.

Hindi rin naman lihim sa Mar-Kiko tandem na may kakayahan ang rice smugglers na mag-luklok ng matataas na opisyal ng bansa kapag mag-aambags sila nang malaki sa campaign funds.

Kapag walang maipapakulong na rice smuggler cum price manipulator ang Mar-Kiko gimik, alam n’yo na kung saan nagmula ang campaign kitty nila.

INUTIL ANG OPISYALES SA BGY 311 AT MPD STN 3

MULING nagpadala ng mensahe ang isa nating reader at tagasubaybay sa programang KATAPAT sa DWBL 1242 kHz tuwing alas-11 ng gabi hanggang alas-dose ng ha-tinggabi, hinggil sa kawalan ng aksiyon ng mga pulis at opisyal sa Barangay 311 sa Maynila sa ‘pagwawala’ ng ilang kabataan sa kanilang lugar.

“Good morning sir, until now ay walang action ang brgy at malapit na MPD police station 3 sa mga kabataang menor de edad na mga nag-iinuman sa kalye ng Quezon Blvd central market sakop ng Bgy 311. Maiingay at pag lasing na nambabato ng bote sa mga dumadaang motorista. Dinadaanan lang ng mobile at tinitingnan lang, ‘di man lang sinisita. Babae at lala-keng menor de edad ginagawang tambayan ang overpass at kung minsan dun na rin nagpaparaos. Partner partner puro menor de edad, sobrang dami nila di naman pinapansin dito ng naturang brgy 311. Minsan nagmamarijuana pa pls help thank you”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *