Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-amin ni Sarah na BF na si Matteo, hinangaan!

ni Alex Brosas

NAPABILIB kami sa pag-amin na ginawa ni Sarah Geronimo na magdyowa na sila ni Matteo Guidicelli.

Kasi naman, siya itong babae pero siya pa ang may lakas ng loob na umamin sa relasyon nila. Isn’t it amazing? Parang bago ito sa showbiz, ‘di ba?

Nangyari ang pag-amin ni Sarah sa victory party ng Maybe This Time na pinagbidahan nila ni Coco Martin.

Anyway, kahit hindi siya umamin ay alam naman ng lahat na magdyowa sila. Hindi ba’t nabuking na naman talaga na mayroon silang relasyon nang mag-wrong send si Matteo kay direk Wenn Deramas at nabulgar na mahal ang tawag niya kay Sarah?

Inamin si Sarah sa isang interview sa website ng Dos na mahal nga ang tawagan nila ni Matteo, saying, “Oo naman (ganoon po ang tawagan namin).”

Later, she admitted na mag-boyfriend na sila.

“Sige, sabihin ko na po, boyfriend ko na po si Matteo. Kasi marami ring nagsasabi na paligoy-ligoy… So, ganoon po,” say ni Sarah.

Ipinaliwanag din ng Pop Star na, “Hindi naman maganda na magtatawagan kaming mahal kung wala naman kaming relasyon, ‘di ba? So, opo (mag-boyfriend kami).”

Kaya lang, medyo naloka ang mga fan dahil siya itong babae pero siya pa ang umamin sa relasyon nila ni Matteo.

“Sa wakas. Umamin nadin. Hehe.”

“OH MY GOD! biglang bumilis tibok ng HEART ko! AYAN ANG PAG AMIN NA MATAGAL INAANTAY NG MGA TAO:)”

“not a fan of sarah, but im so happy for her! keber na kay mudrabels! hahaha sana lang pag gising mo kinabukasan, may buhok ka pa sarah. baka kalbuhin ka ni madir divine! Hahahahaha.”

Ilan lang ‘yan sa comments ng mga tao sa pag-amin ni Sarah.

“This will create a trend in local biz. Babae na ang umaamin at si Sarah pa talaga,” say naman ng isang fan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …