Wednesday , December 25 2024

Maja Salvador, game sa mga challenging na role

ni Nonie V. Nicasio

NAGPAHAYAG ng kagalakan si Maja Salvador sa naging magandang pagtanggap ng publiko sa seryeng The Legal Wife na tinampukan niya at nina Angel Locsin at Jericho Rosales.

“I’m very happy, kasi ‘di naman namin akalain na sobrang grabe ‘yung pagtanggap nila sa aming teleserye. Ang gusto lang naming ibigay at ipakita talaga sa show na yun, iyong nangyayari talaga sa totoong buhay,” esplika ni Maja.

Ayon pa sa versatile na aktres, gusto niyang gumawa ng mga role na hindi pa niya nagagampanan at mga projects na macha-challenge siya. “Bahala na kung ano mang project o teleserye na ibigay sa akin. Pero ang gusto ko ay iyong macha-challenge ulit ako, iyong hindi ko pa nagagawa.”

Kung may project na kailangan kang maging daring or magpa-sexy, tatanggapin mo ba? “Tingin ko, pinaka-daring na nagawa ko itong The Legal Wife.

“Ang daring naman sa akin, hindi lang naman pagpapa-sexy. Parang gumawa ka ng mas malalim na kuwento o yung parang i-share mo yung isang pagkatao. Yung character na hindi mo pa nata-try, magawa mo nang maganda, challenge na iyon e.”

Samantala, fresh from her Gold Record award mula sa kanyang Believe album, sasabak naman si Maja sa kanyang unang concert na pinamagatang Maj, The Legal Performer. Gaganapin ito sa Music Museum sa July 12 at kabilang sa guest niya sina Enrique Gil, Enchong Dee, Rayver Cruz, at Piolo Pascual.

MOJAK, PINALIGAYA ANG MGA KABATAAN SA HAGONOY, BULACAN

ISANG makabuluhang proyekto ang aming pinuntahan last June 14, kasama ang singer/comedian na si Mojak at katotong Ismaelli Favatinni. May espesyal na misyon kasi si Mojak, ang paligayahin ang mga batang may kapansan o mga special child na tinatawag.

Sa Hagonoy, Bulacan ang aming destinasyon, sa SPHC Center o Supportive Parent’s for Hagonoy Children with Disability Center. Dito ay nagkaroon ng feeding program para sa mga nabanggit na bata at namigay ng mga school supplies and bags of goodies na naglalaman ng biscuits, candies, chocolates, at iba.

Siyempre pa, kinantahan ni Mojak ang mga batang ito. Later-on, nakipagsayawan pa ang mga bata sa versatile na entertainer. Bilang pasasalamat naman, ang mga batang ito ay naghandog ng ilang sign language performance, na ikinagalak naming lahat. Kahit hirap kasi, nagsisikap ang mga kabataang ito na magkaroon ng kaalaman sa pamamagitan ng pagpasok sa naturang center ng three times a week.

Masaya and touching ang naturang okasyon at ito ay mula sa kagandahang loob ng mag-business partner na sina Ms. Yasuki Yurika at Ms. Jackie Dayoha. Kabilang din sa nagbigay ng donasyon para sa mga kabataang ito ang sponsors na sina Mr. & Mrs. Toshiro Toyokura at ang One Voice Group na binubuo nina Yurika, Hide, Taki at Kevin Ramos.

“Nagpa-event ako, isang charity show sa Japan nang nalaman nila na may ganito akong program ay naki-join force sila sa akin. Sa Japan kasi, ang mga special child na ganyan ay mayroon talagang eskuwelahan. Nang nalaman ko na mayroon na rin palang ganyan dito sa Pilipinas at sa hometown ko pa, natuwa ako. Magmula noon ay tumutulong na ako sa maliit man na bagay.

“Ang feeding program na ito ay pangatlong taon ko na, every year ay ginagawa namin ito, pero feeding lang. Hopefully, maging twice a year na ito simula ngayon para mas marami tayong matulungang kabataan,” saad ni Ms. Yurika.

Sa panig naman ni Mojak, masyado siyang nagalak sa pagkakataong makatulong at magbigay ligaya sa mga kabataang ito. “Sobra akong natutuwa na makasama ang mga kabataang tulad nila. Kasi, lagi naman akong gumagawa ng ganyan, ‘yung feeding program. Taong-taon kong ginagawa iyan, kaya pipilitin kong makabalik dito sa Hagonoy sa December,” wika pa ng komedyante na magkakaroon ng show sa July 15 sa Silang, Cavite.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *