Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Gerald, okey na raw, posible nang magsama sa isang project

ni Rommel Placente

MAGKASAMA sa TV commercial para sa isang coffee brand ang dating loveteam at magkasintahang sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Ayon kay Gerald, hindi naman daw nahirapan ang kumuha sa kanila para kumbinsihin silang gawin ang commercial. Maganda naman kasi ang concept nito bukod pa sa in-good terms na rin naman daw sila ni Kim.

“And I’m sure, natuwa naman ang ibang fans at sobra kaming nagpapasalamat na kinuha kami,” sabi ni Gerald.

Kahit may Xian Lim na sa buhay ni Kim at may Maja Salvador na sa buhay ni Gerald ay mayroon pa ring fans ang dalawa, ang Kimerald.

“It’s been a long time simula noong huling project na magkasama kami ni Kim. I’m sure natuwa sila. Marami pa rin, eh, grabe pa rin sila. I  mean, sobra akong nagpapasalamat na ganoon pa rin sila.”

Ayos lang din bang magkasama sila ni Kim sa isang teleserye o isang pelikula?

“Oo naman,” sagot ni Gerald.

“Siyempre, open naman ako sa lahat ng projects kung sino ang makatambal ko. We’ll see kung sino ang much better. Masaya ako at natutuwa ako para sa fans dahil napanood nila kaming magkasamang muli.”

All’s well na ba talaga sa kanilang dalawa ni Kim?

“Oo naman,” nakangiting sagot ni Gerald.

May ilangan pa rin?

“Wala naman. Matagal din naman ang pinagsamahan namin, pero siyempre, sa tagal din na hindi kami nagkasama, mayroon kaunti.”

Dion, bano pa ring umarte

ANG tagal na sa showbiz nitong si Dion Ignacio pero hanggang ngayon ay bano pa ring umarte.

Minsan kasi ay napapanood namin siya sa isang serye sa GMA 7 at wala talaga siyang kalatoy-latoy umarte roon. Walang feelings ang akting niya, halatang umaarte lang siya.

Hindi na kami nagtataka kung bakit madalang siyang bigyan ng serye ng Kapuso Network.

Ang pagkakaalam namin ay nag-acting workshop noon si Dion.  Pero anong nangyari at mukhang wala naman siyang natutuhan doon? Dapat ay mag-acting workshop siya ulit, sa totoo lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …